Pagpapamiyembro sa national health insurance

Xでポスト
フェイスブックでシェア
ラインでシェア

Page Number 2000268  Updated on April 4, 2025

Print Print in large font

Ang medical insurance system ng bansang Hapon ay nakabatay sa sistema ng pagtutulungan kung saan ang bawat tao ay nagbibigay ng kanyang bayad bilang kontribusiyon sa araw-araw para matulungan ang iba sa kanilang pampinansiyal na pasanin kung ito ay nagkasakit o nasugatan.
Ang sistema ng papasukang insurance ay magkaiba depende sa uri ng iyong trabaho.
Nahahati sa dalawang uri ng health insurance ng bansa, ito ay ang Kokumin-kenko-hoken o National Health Insurance para sa mga magbubukid at taong self-employed, at ang Kenko-hoken o Health Insurance na para sa mga taong nagtatrabaho sa kompanya, pabrika, tindhan atbp.

Sa mga katanungan
Kokuhonenkin-ka o National Health Insurance and Pension Plan Division (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 2F / Telepono 058-214-4315)

Kokumin-kenko-hoken o National Health Insurance

Mga taong kailangang magpamiyembro

Ang mga taong sakop sa 1. at 2. ay kinakailangan magpamiyembro sa Kokumin-kenko-hoken o Nationa Health Insurance.

  1. Tao na ang tirahan ay nakarehistro o magpaparehistro sa lungsod ng Gifu

  2. Tao na maaaring manatili sa bansang Hapon ng higit tatlong buwan na may angkop na permiso sa pananatili sa bansang Hapon

*Kung ikaw ay sakop alinman sa babanggitin sa ibaba ay hindi maaaring magpamiyembro.

  • Tao na ilegal na naninirahan o walang angkop na permiso ng pananatili sa bansa

  • Tao na ang permiso sa pananatili ay "short term o maikling pananatili"

  • Tao na ang permiso ng pananatili ay "diplomatiko"

  • Tao na ang permiso ng pananatili ay "specially designated activities at "activities to receive medical treatment" o "activities to provide daily care for the patient"

  • Tao na ang permiso ng pananatili ay specified activities tulad ng tourism, recuperation, o sino mang 18 taong gulang o higit pa na pareho ang uri ng aktibidad o may kasamang asawa

  • Tao na ang habang ng permiso ng pananatili ay hindi hihigit sa tatlong buwan
    Sino mang ang haba ng paninirahan ay 3 buwan o higit patulad ng entertainment visa, technical intern trainee visa, family dependent visa, official visa, atbp., na pinayagang manatili sa bansa ng mas matagal pa sa 3 buwan ay kailangang magpamiyembro.

  • Sino mang mula sa bansa na may social security agreement sa bansang Hapon at may patunay na miyembro ng social insurance 

  • Tao na miyembro ng health insurance sa kanilang kompanya at ang dependent nito

  • Tao na higit 75 taong gulang
    (Ang mga matatandang nasa ganitong edad ay sakop ng medical care system para sa mga matatanda.) 

  • Tumatanggap ng seikatsu-hogo o public assistance

Para sa pagpapamiyembro, pagpapakansela o pag-alis sistema, atbp.

Gawin ang mga ito sa loob ng 14 araw.

Ipaalam ang mga susunod sa lungsod

Pagpapamiyembro sa kokumin-kenko-hoken o national health insurance
Dahilan Mga kailangang dalhin
Kapag lilipat sa mula sa ibang lungsod Certificate of moving out (転出証明書)

Kapag umalis sa kenko-hoken o health insurance ng pinagtatrabahuan

Papel patunay na umalis sa health insurance ng kompanya
Kapag hindi na maaaring maging dependent ng sino mang nakapasok sa health insurance ng kompanya Papel patunay na umalis sa health insurance ng kompanya
Kapad nanganak Boshikenkotecho o makaina at sanggol na manwal ng kalusugan
Kapag hindi na makakatanggap ng seikatsu-hogo o pampublikong tulong Notice ng pagkatanggal sa pagtanggap ng seikatsu-hogo o public assistance
Kapag aalis sa kokumin-kenko-hoken o national health insurance
Dahilan Kailangang isumite
Kapag titira sa ibang lungsod Alinman sa insurance card, eligibility verification certificate, eligibility information notification
Kapag sumali sa kenko-hoken o health insurance ng kompanya

Papel patunay na pumasok sa health insurance ng kompanya o papel patunay na naging miyembro 

(Eligibility verification certificate, eligibility information notification ng lahat ng miyembro na nakapasok sa health insurance ng kompanya)

Kapag naging dependent ng taong may kenko-hoken o health insurance ng kompanya

Papel patunay na pumasok sa health insurance ng kompanya o papel patunay na naging miyembro 

(Eligibility verification certificate, eligibility information notification ng lahat ng miyembro na nakapasok sa health insurance ng kompanya)

Kapag ang nakasegurong tao sa kokumin-kenko-hoken o national health insurance ay namatay Health insurance o eligibility verification certificate, death certificate ng taong namatay
Kapag tumatanggap ng seikatsu-hogo o public assistance Health insurance card o eligibility verification certificate, notice ng pagtanggap ng seikatsu-hogo o public assistance
Iba pa
Dahilan Mga dadalhin
Kapag lumipat ng tirahan sa parehong lungsod Health insurance card o eligibility verification certificate 
Kapag nag-iba ang householder at pangalan Health insurance card o eligibility verification certificate 
Kapag humiwalay o nag-isa ng household Alinman sa health insurance card, eligibility verification certificate, eligibility information notification
Kapag nag-iba ng tirahan dahil papasok sa paaralan Alinman sa health insurance card, eligibility verification certificate, eligibility information notification, certificate of student status 
Nawala o nasira ang health insurance card -

*Kailangang suriin ang pagkakakilanlan ng taong pupunta sa bulwagan (dalhin ang residence card, atbp.) kapag may ipapaalam.

*Magdala ng authorization letter kapag ang magpoproseso ay taong hindi miyembro ng kinabibilangang sambahayan.

*Dalhin din ang dokumentong makikita ang my number.

Insurance card, atbp.

Ang insurance card ay nagsisilbing health check-up ticket kapag magpapatingin sa paggamutan na ipinapakita sa tanggapan ng ospital, atbp. Ang pamimigay ng insurance card ay ihihinto matapos ang ika-2 ng Disyembre, 2024. Sa halip, makakatanggap ng eligibility verification certificate o eligibility information notification. Humingi ng panibago kung sakaling ito ay naiwala o napunit. 

MyNumber Insurance Card

Ang MyNumber Card na nairehistro para gamitin bilang insurance card ay maaaring gamitin kapag magpapagamot sa ospital.

Eligibility Information Notification

Ibinibigay ito sa mga taong nakarehsitro ang MyNumber insurance card. Nakasulat ang mga impormasyong nakarehistro sa MyNumber insurance card. Hindi maaaring magpatingin sa ospital kung ang eligibility information notification lamang ang dala.

Eligibility Verification Certificate

Ibinibigay ito sa mga taong walang MyNumber insurance card. Maaaring gamitin ang eligibility verification certificate sa pagpapagamot sa ospital.

 

*Miyembro lamang ang maaaring gumamit sa MyNumber insurance card at eligibility verification certificate.

*Maaaring maparusahan ng batas kung ito ay ipapahiram o ipapagamit sa ibang tao.

*Hindi maaaring gamitin ang card na ikaw ang nagsulat, kopya at walang tatak ng mula sa kinabibilangang insurance.

Pagkalkula ng babayaran

Ang pag-alam sa babayaran ay batay sa laki ng kita, dami, atbp. ng sambahayan.
Ang insurance premium ay kinakalkula buwan buwan base sa buwan kung kelan ka nagpamiyembro (hindi sa buwan kung kelan mo ipinaalam).
Kung ikaw ay umalis sa kinabibilangang insurance sa kalagitnaan, ikaw ay magbabayad ng insurance premium hanggang sa buwan bago ang araw ng iyong pag-alis.

*Agad na ipaalam sa kokuhonenkin-ka o National Health Insurance and Pension Plan Division kung nais mong umalis sa sistema.

Paraan ng pagbayad sa insurance premium

Ang kokuminkenkohokenryo o national insurance premiums ng lungsod ng Gifu ay nahahati sa 10 bayaran mula Hunyo hanggang Marso ng susunod na taon sa loob ng isang taon (mula Abril hanggang Marso ng susunod na taon). Gamitin ang payment bill na ipapadala sa pagbabayad.
Bayaran ito sa bawat katapusan ng buwan.

I-click dito para sa paraan ng pagbabayad.

*Magtungo sa tanggapan ng Nozei-ka o Tax Collection Division kapag gustong ikonsulta ang pagbabayad ng kokuminkenkohokenryo o national insurance premium.

Bawas sa kokuminkenkohokenryo o national health insurance premium ng taong nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagkakatanggal sa trabaho o pagkalugi ng pinagtatrabahuan

Ito ay kapag ginamit ang kita ng taong nawalan ng trabaho sa pag-alam ng babayarang national health insurance premium ay 30% sa panahong sila ay nagtatrabaho pa.

Dalhin ang susunod na dokumento

  • Koyohokensho o unemployement certificate
  • Dokumento na nakasulat ang my number

Konsultasyon sa pagbabayad ng health insurance premium sa araw na walang pasok at gabi

  • Araw at oras
    Kada-Linggo (sarado sa araw huli at unang araw ng taon o bagong taon)
    10:00am - 3:00pm
    Kada-huwebes sa buong linggo (sarado sa araw ng piyesta opisyal, huli at unang araw ng taon o bagong taon)
    5:30pm - 8:00pm
  • Lokasyon
    Nozei-ka o Tax Collection Division
  • Dadalhin
    Insurance premium payment notice or health insurance card, alinman sa eligibility verification certificate, eligibility information notification

Tulong para sa bayarin sa pagpapagamot

Kapag nagkasakit o injury

Kapag dala mo alinman sa MyNumber insurance card, national health insurance card, eligibility verification certificate sa ospital o klinikang tumatanggap ng national health insurance, ikaw ay gagamutin at ang babayaran mo ay 20-30% lamang ng iyong bayarin sa pagpapagamot.

  • Batang hindi pa dumarating sa edad na papasok sa elementarya
    Sariling babayaran:20%
  • Taong nagsisimula nang mag-aral sa elementarya -69 taong gulang
    Sariling babayaran:30%
  • 70 - 74 taong gulang
    Sariling babayaran:20% (30% kapag ang kita ay umabot sa limitasyon)

Pagpapagamot na hindi dala ang insurance card dahil biglaan at hindi inaasahan ang pagkakasakit

Kapag ikaw ay nagpagamot sa paggamutan, ang ilang bahagi ng babayaran sa paggamot ay babayaran.

  • Halimbawa ng mga biglaan at hindi inaasahang dahilan
    Habang naglalakbay, atbp. (kasama na rito ang paglalakbay sa labas ng bansa)
  • Hindi maaaring isali ang dahilan ng paglalakbay para magpagamot.
  • Ang pagpapagamot na hindi saklaw ng insurance ng bansang hapon ay hindi saklaw ng benepisyo.

Bayad sa pagbili ng support goods tulad ng corset

Maaaring ma-reimbursed ang iilang binayaran sa ginastos sa pagbili ng support goods tulad ng corset kapag ang medikal na institusyon ay nagpayong kailangang gumamit.

Dalhin ang mga susunod

  • Itemized medical expense receipt o certificate galing sa doktor na nakasulat na kailangan ng agarang suportang maayos
  • Receipt (kasama na ang mga itemized list)
  • Inkan o pantatak
  • Bank account na gagamitin sa bank transfer (Passbook, cash card)
  • Dokumento na makikita ang my number

Lump-sum allowance para sa panganganak

Makakatanggap ng lump-sum allowance ang head of household kapag ang miyembro ng national health insurance system ay nanganak.

Paano matatanggap

  1. Direct payment system
    Ang lungsod ang magbabayad ng mga gastusin sa pagpapanganak diretso sa medikal na institusyon
    • Isumite ang papel na sumasang-ayon na direktang ibabayad sa paggamutan ang lump-sum.
    • Kapag hindi naubos ang allowance na ibabayad sa mga gastusin sa paggamutan, maaaring makuha ang sumobrang halaga ng allowance.
  2. Kapag hindi gagamitin ang direct payment system
    Ang householder ang mag-aplay para sa lump-sum allowance para sa panganganak pagkapanganak.
    Isumite ang mga kailangang dokumento sa pag-aplay ng lump-sum allowance para sa panganganak.

Tulong para sa bayad sa pagpapalibing

Kapag ang miyembro ng kokumin-kenko-hoken o national health insurance ay namatay, ang babayaran sa libing na 50,000 yen ay ibabayad sa taong nagpapalibing. 

Dadalhin

  • Katibayang papel o medical certificate ng pagkamatay
  • Dokumentong patunay ng pagkakakilanlan ng taong nagpapalibing (Imbitasyon sa paglibing, atbp.)
  • Inkan o pantatak ng taong nagpapalibing
  • Bank account na gagamitin sa bank transfer (Passbook, cash card)
  • Dokumento na nakasulat ang my number

Bayad para sa mamahaling gastusin sa pagpapagamot

Ang halagang saklaw ng insurance para sa babayaran ng isang pasyente sa kanyang medikal na gastusin ay may limitasyon depende sa kita ng kinabibilangang sambahayan.
Kapag sumobra sa buwanang limitasyon, ang sumobrang halaga ay ibabalik.
Kapag ang pasyente ay maaaring mag-aplay para sa mamahaling gastusin sa pagpapagamot, ang Porma ng Aplikasyon Para sa Mamahaling Gastusin sa Pagpapagamot ay ipapadala sa 3 buwan matapos ang buwan ng pagpapagamot.

Mga kakailanganin sa aplikasyon

  • Porma ng aplikasyon para sa mamahaling gastusin sa pagpapagamot
  • Inkan o pantatak
  • Resibo ng binayaran sa paggamutan (Maaaring isumite ang kopya)
  • Bank account na gagamitin sa bank transfer (Passbook, cash card)
  • Dokumento na nakasulat ang my number

Pagbabasehan

Isang buwan mula una hanggang huling araw ng buwan

Pagkalkula sa bayaring babayaran ng pasyente

Kabuuang halagang siningil mula sa pasyente na binayaran ng isang tao sa isang paggamutan.
Ang kalkulasyon para sa inpatient, outpatient at dental services ay hiwalay.
Hindi rin kasama dito ang mga babayarang hindi saklaw ng insurance tulad ng pagkain, kulang na halagang babayaran para sa higaan, atbp.

Ninteisho o eligibility certificate para sa gastusing mahal at pagpapababa ng bayarin

Kapag ang babayaran sa medikal na institusyon o paggamutan ay sobrang mahal, ipakita ang iyong national health insurance card o eligibility verification certificate at ninteisho o eligibility certificate para ang babayaran mo ay ang sumobrang konting halaga na lamang.

  • Taong ang edad ay hindi lalagpas ng 69 taong gulang
    Mag-aplay para makatanggap ng nintiesho o eligibility certificate.
    Hindi maaaring maggamit ang sistemang ito kapag may hindi nabayaran sa insurance premium.
  • Taong 70 - 74 taong gulang
    May mga taong hindi na kailangang kumuha ng ninteisho o eligibility certificate, tawagan ang tagapamahala ng bayad ng national health insurance and pension plan division (kyufu gakari) sa 058-214-2083 para malaman kung bayad na o hindi pa.
  • Kapag ang iyong pamilya ay exempted sa pagbabayad ng residence tax dalhin lamang ang ninteisho o eligibility certificate sa medikal na institusyon at pababaan ang babayaran para sa pagkain.

Bawas o exemption sa bayad ng iilang bayarin

Kapag ang kita mo ay bumaba dahil sa hindi inaasahang pangyayari tulad ng kalamidad, pansamantala o pangmatagalang pagsasara ng negosyo o pinagtatrabahuan na naging dahilan para mahirapang bayaran ang sariling babayaran sa institusyong medikal, maaari kang mag-aplay para sa pagpapababa, exemption, o pagpapaliban ng pagbabayad sa sandaling panahon.

Mga dadalhin

  • Magdala ng patunay na nasa partikular na kalagayan at kalagayan ng kita.
    (Disaster Victim Certificate、bank book, atbp.)

Specified health checkup

Ang pagsusuring ito ay nakatuon sa metabollic syndrome (visceral fat syndrome) at layuning malaman sa maagang panahon ang mga sakit na may kinalaman sa uri ng pamumuhay (lifestyle-related diseases) tulad ng diabetes at hypertension para maiwasan ang maaaring paglala.

Mga maaaring magpasuri

Sino mang 40-74 taong gulang na miyembro ng kokumin-kenko-hoken o national health insurance ng lungsod ng Gifu sa araw ng pagpapasuri

*Papadalhan ang mga taong makakapagpasuri ng medical examination card sa kalagitnaan ng Hunyo.

Hanggang kailan maaaring magpasuri

Mula sa araw na dumating ang medical examination form - katapusan ng Oktubre