Subsidy system para sa mga medikal na gastusin
Ang lungsod ng Gifu ay nagbibigay ng pampinasiyal na tulong para sa mga gastusing medikal ng mga bata, taong may mga malulubhang mental o pisikal na kapansanan at pamilyang iisa lamang ang magulang o single parent household.
Hindi maaaring tustusan ng sistemang ito ang mga uri ng gamutan at pagsusuring medikal na hindi saklaw ng insurance tulad ng bakuna, bayad sa dokumentasyon at kuwarto o iba pang mga bayarin sa ospital.
Sa mga katanungan
Fukushiiryo-ka o Medical Welfare Division (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 1F/Telepono 058-214-2127)
Subsidy para sa mga medikal na gastusin ng bata
Ito ay isang sistema para tustusan ang bayarin sa pagpapagamot ng batang nagpagamot o tumanggap ng gamot dahil sa injury o pagkakasakit ng dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification (health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate, atbp.).
Taong maaaring mag-aplay
- Nakarehistro ang tirahan sa lungsod ng Gifu
- Miyembro ng health insurance
- Hanggang sa kauna-unahang Marso 31 matapos ang bata ay umabot ng 18 taong gulang
※Walang restriction sa kita.
Taong hindi maaaring mag-aplay
- Tumatanggap ng seikatsu-hogo o pampublikong tulong
- Taong may mabigat na kapansanang mental at pisikal na tumatanggap ng subsidy sa mga medikal na gastusin
- Pamilyang iisa lamang ang magulang o single parent household na tumatanggap ng tulong sa medikal na gastusin
Mga ipagkakaloob na tulong
Ang bahaging sariling babayaran para sa bayarin sa pagpapagamot na saklaw ng health insurance ay babayaran ng sistemang ito.
Paalala
- Sa panganganak at paglilipat
Kung ikaw ay mag-aaplay sa loob ng 30 araw mula sa araw ng kapanganakan o araw ng paglilipat, makukuha mo ang tulong para sa gastusing medikal mula sa araw na ipinanganak ang bata o araw ng paglilipat.
Magsisimulang makatanggap ng tulong medikal mula sa unang araw ng buwang inaplay kapag lumagpas ng 30 araw mula sa araw na ipinanganak o araw ng paglilipat. - Kapag magpapagamot sa loob ng prepektura
Ipakita ang dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification (health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate, atbp.) at medical welfare recipient certificate sa tanggapan ng paggamutan. - Kapag magpapagamot sa labas ng prepektura
Kung dadalhin mo ang resibong nakasulat ang lahat ng binayaran galing sa ospital na nagpapakita ng mga ginastos na saklaw ng kinabibilangang insurance Fukushiiryo-ka o Medical Welfare Division, ang binayad mo ay maaaring ibalik sa iyo sa bangko na iyong gustong ipadala ang pera sa susunod na buwan sa buwan na ikaw ay nag-aplay. - Kapag sobrang mahal ang babayaran sa pagpapagamot
Maliban sa pagsumite ng kasunduan sa pagsang-ayon sa impormasyong nakasaad sa MyNumber insurance card para sa maximum na halagang babayaran, ipakita rin sa tanggapan ng ospital at parmasiya ang medical welfare recipient certificate kapag ang MyNumber insurance card ang gagamitin.
Kapag ikaw ay miyembro ng medical insurance para sa mga matatanda at ang gagamitin mo sa pagpapa-check up ay ang eligibility information notification, kailangan din ipakita sa tanggapan ng ospital at parmasiya ang medical welfare recipient certificate at eligibility information notification na nakasulat ang kategorya ng maximum na halagang sariling babayaran (maximum category).
Maliban sa mga nakasulat sa itaas, kailangan din ang pagpapakita ng dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification (health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate, atbp.) at medical welfare recipient certificate sa tanggapan ng ospital at parmasiya.
*Para sa maximum na halagang sariling babayaran at sistema, magtanong sa kinabibilangang insurance company. - Kapag kinailangang magpagamot sa ospital at parmasiya sa ibang bansa o magpapagawa ng prosthetic device tulad ng corset, atbp.
Maaaring mag-aplay para makatanggap ng reimbursement kapag ang treatment na ginawa ay saklaw ng insurance plan (ang halagang matatanggap ay depende sa uri ng insurance plan at tawagan mo ang iyong insurance provider para malaman ang paraan sa pag-aplay).
Mga kailangang dokumento sa pag-aplay ng medical welfare recipient certificate
- Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification (alinman sa health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate)
*Kapag panganganak, maaaring isumite ang alinman sa mga dokumentong nakasulat ang impormasyon ng pagiging miyembro sa kabibilangang health insurance ng bata - Dokumentong magpapatunay ng pagkakakilanlan
Mga dokumentong kailangan para maibalik ang ibinayad na pera sa pagpapagamot sa labas ng prepektura
- Resibo na nakasulat ang halaga ng binayaran
- Dokumento na nagpapatunay ng pagkakakilanlan
- Medical welfare recipient certificate
- Passbook na nakasulat ang bank account number na papadalhan
- Kapag kinailangang magpagamot sa ospital at parmasiya sa ibang bansa o magpapagawa ng prosthetic device tulad ng corset, atbp.
Magtanong sa fukushiiryo-ka o medical welfare division para malaman ang mga dokumentong kailangang isumite.
Sistemang tulong para sa medikal na gastusin ng pamilyang iisa lamang ang magulang o single parent household
Ang sistemang ito ay tumutulong para sa pagpapagamot gamit ang insurance ng pamilyang iisa lamang ang magulang o single parent household at mga batang ulila na sa magulang.
Saklaw
- Nakarehistro ang tirahan sa lungsod ng Gifu
- Miyembro ng health insurance
- Pamilyang iisa lamang ang magulang o single parent household o batang ulila sa magulang
※Mula sa buwan ng aplikasyon at pagbibigay ng pahintulot hanggang sa pinakahulong piskal na taong ang bata ay umabot na ng 18 taong gulang (Marso 31).
※Titingnan ang kita ng pamilya.
Mga ipagkakaloob na tulong
Ang bahaging sariling babayaran para sa bayarin sa pagpapagamot na saklaw ng health insurance ay babayaran ng sistemang ito.
Mga dapat tandaan
- Kapag mag-aaplay sa loob ng 30 araw mula sa araw pagkatapos maging pamilyang iisa lamang ang magulang o single household, mas mura ang babayaran sa ospital at parmasiya mula sa araw na na-aprobahan bilang pamilyang iisa lamang ang magulang o single parent household. Kapag sumobra ng 30 araw, mag-uumpisa ito sa unang araw ng buwan kung kailan ito inaplay.
- Sa mga tatanggap ng child care allowance para sa mga single-parent
Matapos ma-aplay ang child-rearing allowance sa Kodomoshien-ka o Child Support Division, magtungo sa Fukushiiryo-ka o Medical Welfare Division para makatanggap ng medical welfare recipient certificate. - Kapag magpapagamot sa loob ng prepektura
Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification (alinman sa health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate) at medical welfare recipient certificate sa tanggapan ng paggamutan. - Kapag magpapagamot sa labas ng prepektura
Kung dadalhin mo ang resibong nakasulat ang lahat ng binayaran galing sa ospital na nagpapakita ng mga ginastos na saklaw ng kinabibilangang insurance Fukushiiryo-ka o Medical Welfare Division, ang binayad mo ay maaaring ibalik sa iyo sa bangko na iyong gustong ipadala ang pera sa susunod na buwan sa buwan na ikaw ay nag-aplay. - Kapag sobrang mahal ang babayaran sa pagpapagamot
Maliban sa pagsumite ng kasunduan sa pagsang-ayon sa impormasyong nakasaad sa MyNumber insurance card para sa maximum na halagang babayaran, ipakita rin sa tanggapan ng ospital at parmasiya ang medical welfare recipient certificate kapag ang MyNumber insurance card ang gagamitin.
Kapag ikaw ay miyembro ng medical insurance para sa mga matatanda at ang gagamitin mo sa pagpapa-check up ay ang eligibility information notification, kailangan din ipakita sa tanggapan ng ospital at parmasiya ang medical welfare recipient certificate at eligibility information notification na nakasulat ang kategorya ng maximum na halagang sariling babayaran (maximum category).
Maliban sa mga nakasulat sa itaas, kailangan din ang pagpapakita ng dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification (health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate, atbp.) at medical welfare recipient certificate sa tanggapan ng ospital at parmasiya.
*Para sa maximum na halagang sariling babayaran at sistema, magtanong sa kinabibilangang insurance company. - Kapag kinailangang magpagamot sa ospital at parmasiya sa ibang bansa o magpapagawa ng prosthetic device tulad ng corset, atbp.
Maaaring mag-aplay para makatanggap ng reimbursement kapag ang treatment na ginawa ay saklaw ng insurance plan (ang halagang matatanggap ay depende sa uri ng insurance plan at tawagan mo ang iyong insurance provider para malaman ang paraan sa pag-aplay).
Mga kakailanganing papel sa pagproseso ng Fukushi-iryo jukyuushasho o medical welfare recipient certificate
- Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification (alinman sa health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate)
- Dokumentong magpapatunay ng pagkakakilanlan
- Child-rearing allowance certificate o survivor's pension certificate
*Sa mga nagnanais mag-aplay na walang hawak ng mga nabanggit na certifictaes sa ibaba, magtanong sa medical welfare division. - Sa mga kakalipat lang sa lungsod, magdala ng shotokukazei-shomeisho o income tax certificate ng magulang o tagapag-alaga
(Kailangan ang para sa mga magulang at lahat ng dependent ng pamilya. Para sa ibang detalye tawagan ang Medical Welfare Division) - Maaaring kailangang magsumite ng Juminhyo o residence certificate, patunay mula sa minsei-iin o barangay tanod ng lugar, opisyal na mga papeles.
Mga dokumentong kailangan para maibalik ang ibinayad sa pagpapatingin sa labas ng prepektura ng Gifu
- Resibo na nakasulat ang halagang binayaran
- Dokumentong patunay ng sariling pagkakakilanlan
- Medical welfare recipient certificate
- Account number ng bangko kung saan ipapadala ang pera
- Kapag kinailangang magpagamot sa ospital at parmasiya sa ibang bansa o magpapagawa ng prosthetic device tulad ng corset, atbp.
Magtanong sa fukushiiryo-ka o medical welfare division para malaman ang mga dokumentong kailangang isumite.
Subsidy para sa bayarin sa paggamutan ng mga may malalang mental o pisikal na kapansanan
Ang sistemang ito ay ang pagbibigay ng subsidy para sa mga babayaran sa pagpapagamot ng mga taong may kapansanan.
Kalagayan ng mga dapat mabigyan
Taong may malalang kapansanan sa mental at pisikal (Limit sa kita: Meron※)
- ※Sa mga taong naglilipat mula sa labas ng lungsod ng Gifu ay kailangang magdala ng income and tax certificate o shotokukazei-shomeisho.
(Ikaw, asawa mo, at mga dependent) - ※Ang aplikasyon ay binabase sa kita ng isang pamilya.
Taong may pisikal na kapansanan
Level 1-3 ang hawak na physical disability booklet
- Mga kailangan sa aplikasyon (Taong mag-aaplay)
- Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification
(alinman sa health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate) - Physical disability booklet

- Mga kailangan sa aplikasyon (Taong magpoproseso)
ID o patunay ng pagkakakilanlan ng taong magpoproseso (tulad ng residence card, driver’s license, atbp.)
Taong may kapansanan sa pag-iisip
Ang nakasulat na kategorya sa intellectual disability booklet ay A, A1, A2 o B1.
- Mga kailangan sa aplikasyon (Taong mag-aaplay)
- Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification
(alinman sa health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate) - Intellectual disability booklet
- Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification
- Mga kailangan sa aplikasyon (Taong magpoproseso)
ID o patunay ng pagkakakilanlan ng taong magpoproseso (tulad ng residence card, driver’s license, atbp.)
Taong may mental na kapansanan
Nakasulat sa mental disorder booklet ay level 1-2
- Mga kailangan sa aplikasyon (Taong mag-aaplay)
- Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification
(alinman sa health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate) - Mental disorder booklet
- Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification
- Mga kailangan sa aplikasyon (Taong magpoproseso)
ID o patunay ng pagkakakilanlan ng taong magpoproseso (tulad ng residence card, driver’s license, atbp.)
Lumpo o sugatang retiradong sundalo
Nakasulat sa disability booklet ay level 4
- Mga kailangan sa aplikasyo (Taong mag-aaplay)
- Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification
(alinman sa health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate) - Physical disability booklet
- booklet para sa lumpo o sugatang retiradong sundalo
- Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification
- Mga kailangan sa aplikasyon (Taong magpoproseso)
ID o patunay ng pagkakakilanlan ng taong magpoproseso (tulad ng residence card, driver’s license, atbp.)
Nakaratay sa higaan ng higit anim na buwan
Higit 65 taong gulang na kailangan ng tulong sa pagpaligo, paglakad, pagkain, atbp. na nakaratay sa higaan
- Mga kailangan sa aplikasyon (Taong mag-aaplay)
- Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification
(alinman sa health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate) - Papel patunay na nakaratay sa higaan ng higit sa anim na buwan
- Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification
- Mga kailangan sa aplikasyon (Taong magpoproseso)
ID o patunay ng pagkakakilanlan ng taong magpoproseso (tulad ng residence card, driver’s license, atbp.)
Saklaw ng subsidy
Ang bahaging sariling babayaran para sa bayarin sa pagpapagamot na saklaw ng health insurance ay babayaran ng sistemang ito.
Paalala
- Kapag mag-aaplay sa loob ng 30 araw mula sa araw na nabigyan ng booklet, mas mura ang mababayaran mo sa ospital at parmasiya mula sa unang araw ng buwan kung kailan ibinigay ang booklet. Kapag sumobra ng 30 araw, mag-uumpisa ito sa unang araw ng buwan kung kailan ito inaplay.
- Kapag magpapagamot sa loob ng prepektura
Dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification (alinman sa health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate) at medical welfare recipient certificate sa tanggapan ng paggamutan. - Kapag magpapagamot sa labas ng prepektura
Kung dadalhin mo ang resibong nakasulat ang lahat ng binayaran galing sa ospital na nagpapakita ng mga ginastos na saklaw ng kinabibilangang insurance Fukushiiryo-ka o Medical Welfare Division, ang binayad mo ay maaaring ibalik sa iyo sa bangko na iyong gustong ipadala ang pera sa susunod na buwan sa buwan na ikaw ay nag-aplay. - Kapag sobrang mahal ang babayaran sa pagpapagamot
Maliban sa pagsumite ng kasunduan sa pagsang-ayon sa impormasyong nakasaad sa MyNumber insurance card para sa maximum na halagang babayaran, ipakita rin sa tanggapan ng ospital at parmasiya ang medical welfare recipient certificate kapag ang MyNumber insurance card ang gagamitin.
Kapag ikaw ay miyembro ng medical insurance para sa mga matatanda at ang gagamitin mo sa pagpapa-check up ay ang eligibility information notification, kailangan din ipakita sa tanggapan ng ospital at parmasiya ang medical welfare recipient certificate at eligibility information notification na nakasulat ang kategorya ng maximum na halagang sariling babayaran (maximum category).
Maliban sa mga nakasulat sa itaas, kailangan din ang pagpapakita ng dokumentong patunay ng health insurance tulad ng eligibility information notification (health insurance card, MyNumber insurance card, eligibility verification certificate, atbp.) at medical welfare recipient certificate sa tanggapan ng ospital at parmasiya.
*Para sa maximum na halagang sariling babayaran at sistema, magtanong sa kinabibilangang insurance.
Mga kailangang dokumento na isusumite para maibalik ang ibinayad sa paggamutang nasa labas ng prepektura ng Gifu
- Resibo na nakasulat ang halagang binayarang saklaw ng insurance
- Dokumentong magpapatunay ng pagkakakilanlan
- Medical welfare recepient certificate
- Dokumentong nakasulat ang bank account number para ipadala ang perang ibabalik