Serbisyong tulong para sa mga matatanda
May iba't ibang serbisyong tulong ang maaaring maggamit ng mga matatanda.
Sa mga katanungan
Koreifukushi-ka o Senior Citizens Welfare Division (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 1F/Telepono 058-214-2173)
Lote para sa pagtatanim ng mga matatanda
May 528 plot sa 12 lugar ang maaaring rentahan ng mga matatandang nasa 60 taong gulang. May bayad ang renta.
Vouchers para sa acupuncture, moxibustion treatment at pagpapamasahe na hindi saklaw ng insurance
Kung gagamitin ang voucher, ang babayaran mo sa acupuncture o pagpapamasahe ay 1/3 lang ng karaniwang halaga.
(Sariling babayaran 1,400yen.)
Saklaw (May limit sa kita.)
- Taong 70 taong gulang pataas
- Tao na 70 taong gulang pababa na saklaw ng Kategorya 1 at 2 ng shintai-shogaisha-techo o physical disability booklet
※Makakatanggap ng 6 na voucher sa loob ng isang taon.
Bus card sa pamamasyal ng matatanda
Sino mang matanda na 70 taong gulang o pataas ay maaaring mag-aplay para makatanggap ng IC card na may lamang 3000 yen at 20% discount na maaaring gamitin kahit anong oras.
Silver card
Ipinamimigay ito sa mga taong nasa 70 taong gulang pataas para maggamit ng libre o sa mababang halaga ang mga pangkultural, pampalakasan at panlibangang pasilidad.
Gift-giving project para sa matatandang umabot ng 90 taong gulang
Ang lungsod ng Gifu ay namimigay ng regalo para sa mga matatandang umabot ng 90 taong gulang.
Pagsasagawa ng food delivery para matiyak ang kaligtasan
Ito ay para sa mga matatandang 65 taong gulang o pataas na naninirahang mag-isa o ang ibang miyembro ng pamilya ay 65 taong gulang pataas at nahihirapan sa pagluto. Ito rin ay nagsisilbing paraan para matiyak palagi ang kaligtasan ng mga matatanda.
Ai no Hitokoe (a voice of love) movement
Ito ay pagbisita sa tahanan ng matatandang nasa 65 taong gulang o pataas na mag-isang naninirahan para matiyak na maayos ang kanilang kalagayan.
Safety confirmation service
Ito ay para masubaybayan ang pang-araw-araw na gawain at kaligtasan maglalagay ng sensor sa tahanan ng pamilyang ang lahat ng miyembro ay matatandang nasa 60 taong gulang o pataas, kasama na ang mga taong nag-iisang naninirahan o nakaratay sa higaan.
Emergency alert system
Ito ay paglalagay ng emergency call system na nakakonekta sa pribadong kontraktor na kinomisyon ng lungsod para sa mga sambahayan na ang miyembro ng pamilya ay matatanda lamang, kabilang na dito ang mga matatandang nasa 65 taong gulang pataas na mag-isang naninirahan at matatandang nakaratay sa kama, at taong may malalang karamdaman na maaaring sanhi ng biglaang pagkamatay.
Short-term stay services
Ito ay para sa matatandang mag-isang naninirahan na hindi saklaw para makatanggap ng nursing care na ang edad ay nasa 65 taong gulang o pataas na walang dinaramdam subalit mahina ang kalusugan ay pansamantalang inaalagaan sa maikling panahon.
Support Facility
Nursing home para sa mga matatanda
Pangalan ng pasilidad |
Dami ng tao |
Lokasyon | Telepono |
---|---|---|---|
Gifu Elderly Independence Support Center |
110 |
7-20-1 Kita Isshiki | 058-245-6573 |
Jusho-en |
90 |
1089-1 Tsubakibora | 058-237-7120 |
Saklaw
- 65 taong gulang o pataas
- Taong hirap mamuhay sa loob ng tirahan
Nursing facility para sa mga matatanda
Sa mga pasilidad na ito ay may mga private room, pagkain, at paligo, maaari ring gamitin ang home visit services kung kailangan.
Pangalan ng pasilidad |
Dami ng tao |
Lokasyon | Telepono |
---|---|---|---|
Shalom Miwa |
30 |
774-2 Miwa | 058-229-3331 |
Sunlife Hikosaka |
15 |
230 Hikosaka Kawa Kita | 058-238-8809 |
Kurono Asoka-en |
15 |
404-1 Kurono | 058-234-2376 |
Sakura-en |
30 |
2-28-1 Oku | 058-239-9720 |
Royal Court Terada |
50 |
7-95 Terada | 058-255-3030 |
Yasuragi no Sato Kawabe-en |
80 |
3-20 Kawabe | 058-239-7722 |
Etoile Zuiko |
50 |
1-95 Oku | 058-239-9749 |
La paulee Gifu |
30 |
1-2-33 Kagashima Minami | 058-253-7501 |
Sasayuri |
30 |
1-15-25 Kitayama | 058-244-1200 |
Wellview Meigo |
20 |
1-20-2 Masago-cho | 058-255-3313 |
Obora Gikyoen |
20 |
3-3-1 Obora | 058-242-1143 |
Saklaw
- 60 taong gulang o pataas
(Kapag mag-asawang papasok, dapat ang isa sa inyo ay 60 taong gulang pataas) - Para sa mga taong ang pampisikal na kalagayan ang dahilan para hindi makapagluto o nababahalang manirahang mag-isa.
Mga living support facility
Ito ay para sa mga matatandang natatakot at nababahalang mamuhay mag-isa.
-
Pangalan ng pasilidad
-
Iki-iki
-
Dami ng tao
-
9
-
Lokasyon
-
10-38-1 Kita Isshiki
-
Telepono
-
058-267-1294
Batayan
- Hindi saklaw o nangangailangan ng alaga ayon sa resulta ng ginawang pagsusuri kung kailangan ng pangangalaga
- Nakakapagluto ng sariling pagkain.
Saklaw
- Tao na mag-isang naninirahan na nasa 60 taong gulang pataas
- Tao na hirap makahingi ng tulong mula sa mga kapamilya o kamag-anak
Mitahora shinbutsu onsen o hot spring
Dito maaaring maligo at sumali sa mga pagsasanay para malinang ang pisikal at mental na kalusugan. (May bayad)
Telepono
058-237-3734
Lokasyon
222 Mitahora
Oras ng Pagbubukas
- Marso - Oktubre
10:00am - 5:00pm - Nobyembre - Pebrero
10:00am - 4:00pm
Sarado
Miyerkules ng bawat linggo, unang araw ng buwan at huli at umpisang araw ng taon o bagong taon