Pension system at ang national pension plan

Xでポスト
フェイスブックでシェア
ラインでシェア

Page Number 2000267  Updated on April 1, 2024

Print Print in large font

Ang lahat ng may edad 20 hanggang 60 taong gulang na nakarehistro ang tirahan sa bansang Hapon ay kinakailangang pumasok sa kokumin-nenkin o national pension plan.
Ang public pension system ay sistema na binuo ng national government hindi lamang para sa mga matatanda kung hindi para mabigyan ng maayos na pamumuhay at dagdag na kita ang magulang o asawa ng taong may kapansanan o naiwang pamilya ng namatay.
Ang dalawang uri ng pampublikong pensiyon ay kokumin-nenkin o National Pension Plan at Kosei-nenkin o Employee's Pension Plan.

Sa mga katanungan

  • Basic old age pension, lump-sum benefit para sa pagkamatay, at widow's pension
  • Shogaikisonenkin o Basic Disability Pension
  • Izokukisonenkin o Basic Survivor's Pension
    • Kokuhonenkin-ka o National Health Insurance and Pension Plan Division (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 1F/Telepono 058-214-2086)
    • Gifu Kita Pension Office Telepono 058-294-6364
  • Koseinenkin o Employee's pension/Roreikoseinenkin o Old age Welfare Pension
  • Shogaikoseinenkin o Disability Welfare Pension
  • Izokukoseinenkin o Survivor's Welfare Pension
  • Lump-sum withdrawal payment para sa mga dayuhang maikli lang ang pananatili sa bansa
  • Social Security Agreement
    • Gifu Minami Japan Pension Service Branch Office Telepono 058-273-6161
    • Gifu Kita Japan Pension Service Branch Office Telepono 058-294-6364
    • Machikado Pension Consultation Center Gifu
      (tanggapan para lamang sa personal na kokonsulta)
      (2-23 Koran sa loob ng Orchid Park)

Mga alituntunin at taong maaaring pumasok sa public pension system

Category 1 insured person

National Pension Plan (Basic Pension)

Category 2 insured person
National Pension Plan (Basic Pension)
Employees' Pension

Category 3 insured person

National Pension Plan (Basic Pension)

※ Ang national pension plan ang pinakapundasyon ng public pension system at ang employee's pension ang karagdagan para rito.

  • Category 1
    Taong self-employed, estudyante (20 taong gulang pababa), part-time
    Pupuntahang tanggapan:Bulwagang panlungsod, Kahit anumang sangay na opisina
  • Category 2
    Taong nagtatrabaho sa kompanya, civil servant
    Pupuntahang tanggapan:lugar na pinagtatrabahuan
  • Category 3
    Dependent na asawa ng taong kabilang sa category 2
    Pupuntahang tanggapan:Sa employer ng asawa

Category 1 insured person

Sa mga katanungan

  • Kokuhonenkin-ka o National Health Insurance and Pension Plan Division (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 1F/Telepono 058-214-2086)
  • Gifu Kita Pension Service Branch Office Telepono 058-294-6364

Insurance premium

Ang halaga ng insurance premium ay pare-pareho sa lahat ng miyembro sa bansa may trabaho man o wala na babayaran buwan-buwan ng insured person.

Exemption

Sino mang saklaw ng batayan para ma-exempt sa pagbabayad ng insurance premium tulad ng mababang kita, nawalan ng trabaho, atbp.
Sino mang ang edad ay 50 taong gulang pababa ay maaaring mag-aplay para ma-exempt o ipaliban ang pagbabayad.

Paano at kailan makakatanggap ng benepisyo

Kapag ang isang tao ay miyembro ng sampung taon (120 buwan) o higit pa nagbabayad man o exempted sa pagbabayad ng insurance premium ay makakatanggap ng basic old age pension pagdating ng 65 taong gulang.
※May dalawang uri sa pag-claim ng benefits, ito ay ang early at deferred claim. Ang early claim ay maaaring iaplay kapag ikaw ay 60 at bago mag-65 taong taong gulang. Ang deffered claim naman ay kapag ikaw ay higit 65 taong gulang na.

Lump-sum benefit para sa pagkamatay

Kailan maaaring iaplay

  • Kapag namatay ang taong miyembro na category 1 insured person

Mga batayan para makatanggap

  • Category 1 Insured person
  • Taong miyembro na kabilang sa category 1 na nakapagbayad na ng insurance premium ng 36 buwan o higit pa.
  • Wala pang natatanggap na roreikisonenkin o basic old-age pension at shogaikisonenkin o basic disability pension.

Taong makakatanggap

Naiwang pamilyang sinusuportahan ng namatay na miyembro na kabilang sa category 1

Pagkakasunod-sunod ng taong unang makakatanggap ng pension

  1. Asawa
  2. Anak
  3. Magulang
  4. Apo
  5. Lola/Lolo
  6. Kapatid

Kafunenkin o widow's pension

Makakatanggap at kailan matatanggap

Biyudang asawa ng namatay ng category 1 insured person na nasa 60-64 taong gulang

Batayan para makatanggap

  • Category 1 insured person
    • Ang asawang namatay ay nakapagbayad na ng sampung taon o higit pa* (kabilang ang mga panahong exempted sa pagbabayad) bilang insured person category 1 noong ito ay buhay pa.
    • Wala pang natatanggap na roreikisonenkin o basic old age pension at shogaikisonenkin o disability pension.
  • Biyudang asawa ng category 1 insured person
    • Ang biyudang asawa at namatay na category 1 insured person ay kasal at nagsasama ng higit sampung taon
    • Ang namatay na category 1 insured person ang bumubuhay at naghahanap-buhay para sa biyudang asawa
    • Ang biyudang asawa ay hindi nag-aplay ng maaga at hindi pa tumatanggap ng kisororeinenkin o basic old age pension.

Paalala

Kailangang umabot sa 25 taon sa pagiging miyembro ang category insured person kapag namatay ito bago ang Agosto 1, 2017.

Category 2 insured person

  • Insurance premium
    Ang fixed monthy rate ng insurance premium na babayaran ng manggagawa ay paghahatian ng pinagtatrabahuan at manggagawa ng kompanya. Ikakaltas mula sa buwanang matatanggap na sahod ng manggagawa ang kalahati.
  • Ano at kailan matatanggap ang benepisyo
    Kapag ang haba ng taon na nagbayad at haba ng taon na exempted ka sa pagbabayad ay sumakto sa itinakdang haba ng taon ng pagbabayad ng insurance premium, ang roreikisonenkin o basic old age pension at roreikoseinenkin o old age welfare pension ay matatanggap mo kapag ikaw ay umabot na sa 65 taong gulang.

Category 3 Insured-person

  • Insurance premium
    Ang kabilang sa kategoryang ito ay hindi na kailangang magbayad ng insurance premium dahil ito ay kasama na sa binabayaran ng taong kasapi ng employee's pension insurance.
  • Ano at kailan matatanggap ang benepisyo
    Kapag ang haba ng panahon ng pagbabayad (mula April, 1986) at haba ng panahon na exempted sa pagbabayad ng insurance premium ay umabot ng 10 taon (120 buwan) o mahigit, makakatanggap ng roreikisonenkin o basic old age pension kapag umabot na ng 65 taong gulang.

Disability pension

Makakatanggap ng benepisyo

Ang makakatanggap ng benepisyong ito ay ang mga taong hindi makapagtrabaho dahil sa pagkakasakit o kapansanan kabilang na rin ang mga taong hindi pa umaabot sa edad ng pagreretiro.
Nakasulat sa ibaba ang uri ng pension na binabayaran para makatanggap ng benepisyo.

Uri ng pension

  • shogaikisonenkin o basic disability pension
  • shogaikoseinenkin o disability welfare pension

Mga batayan para matanggap ang benepisyo

  • Kailangang nakapagbayad o exempted sa pagbabayad para sa 2/3 ng National Pension Plan insurance premium sa loob ng dalawang buwan bago ang unang buwan na natuklasan ang kapansanan.
  • Kailangang hindi pa umaabot ng 65 taong gulang sa araw na nalamang may kapansanan sa araw na nagpatingin sa manggagamot at bayad ang insurance premium ng buong taon dalawang buwan bago ang pagpapatingin sa manggagamot.

※Kapag ang unang pagpapatingin sa doktor ay bago natuklasang may kapansanan ang isang taong nasa edad na 20 taong gulang at miyembro ng national pension plan, walang kailangang bayaran sa insurance premium.

Ang mga susunod ay mga batayan para makatanggap ng basic disability pension

Kung ikaw ay may kapansanang kabilang sa level 1-2 na nakasaad sa rating chart na nakasaad sa batas dahil sa sakit o kapansanang nalaman sa unang pagkakataon alinman sa pagkatataong nakasulat sa 1. -3. sa ibaba.
※Ang petsa ng unang pagpapasuri ay petsa kung kailan ang pasyente ay unang ginamot ng doktor o dentista dahil sa sakit o injury

  1. Panahong kasali sa national pension plan
  2. Sa panahong hindi pa 20 taong gulang
    (panahong hindi pa miyembro sa national pension plan)
  3. Taong ang edad ay 60 taong gulang pataas na hindi sosobra sa edad na 65 taong gulang
    (panahong hindi miyembro ng pension system habang naninirahan sa bansa)

Taong makakatanggap ng disability welfare pension

  • Sino mang nagkaroon ng kapansanan dulot ng pagkakasakit o injury na kabilan sa level 1-2 ng basic disability pension
  • Sa unang pagpapasuri sa doktor dahil sa sakit o injury na nabanggit sa itaas ay miyembro o nakapasok sa employee's pension.
  • ※Ang matatanggap na benepisyo mula sa basic disability pension ay idadagdag sa matatanggap sa pension na ito.
  • ※Kapag hindi malala ang kapansanan
    Ang taong may kapansanang hindi malala at hindi saklaw ng level 2 disability ay maaaring tumanggap ng level 3 disability welfare pension.

Disability allowance (lump-sum payment)

Kapag ang isang tao ay gumaling mula sa pagkakasakit o injury na naging sanhi ng kapansanan sa loobg ng limang taon sa araw na siya ay unang nagpasuri kung saan nalaman ang kapansanan at maaaring magkakaroon ng hindi malalang uri ng kapansanan, ay maaaring makatanggap ng disability allowance.

Basic survivor's pension

Kailan maaaring iaplay

Kapag ang namatay ay miyembro o nakapasok sa basic old age pension na miyembro ng 25 taon o higit pa ng ito ay namatay.

Mga batayan para matanggap ang benepisyo

Taong namatay
Kailangang ang namatay ay bayad na ng 2/3 o higit pa sa lahat ng insurance premium (kasama na ang exempted period) sa araw bago ito namatay.
※Kapag namatay bago ang Abril 1, 2026
Kapag ang edad ng namatay sa araw ng kamatayan nito ay 65 taong gulang pababa, matatanggap ng naiwang pamilya ang pension na ito kapag ang lahat ng babayaran sa insurance premium sa isang taon ay bayad kahit hindi nakapagbayad ng premium sa dalawang buwan bago ito namatay. 

Taong makakatanggap

Ang sumusunod na 1. at 2. ay mga taong maaaring makatanggap ng benepisyo na umaasa sa namatay

  1. Asawa ng namatay na may anak na hindi pa umaabot ng 18 taong gulang sa buwan ng fiscal year o anak ng namatay
  2. Asawa ng namatay na may anak na 20 taong gulang pababa na may kapansanan o anak ng namatay

Survivor's welfare pension

Kailan matatanggap ang benepisyo

  1. Sa loob ng limang taon mula sa unang araw ng pagpapatingin para malunasan ang sakit o sugat ng taong namatay na insured person.
    Kailangang ang namatay ay bayad na ng 2/3 o higit pa sa lahat ng insurance premium (kasama na ang exempted period) sa araw bago ito namatay.
    ※Kapag namatay bago ang Abril 1, 2026
    Kapag ang edad ng namatay sa araw ng kamatayan nito ay 65 taong gulang pababa, matatanggap ng naiwang pamilya ang pension na ito kapag ang lahat ng babayaran sa insurance premium sa isang taon ay bayad kahit hindi nakapagbayad ng premium sa dalawang buwan bago ito namatay.
  2. Kapag ang namatay ay miyembro sa old age welfare pension ng higit 25 taon hanggang sa araw ng kamatayan nito.
  3. Kapag ang namatay ay makakatanggap ng level 1-2 disability welfare (mutual aid) pension.

Taong tatanggap ng benepisyo

Alinman sa taong nakasulat sa 1. -4. na umaasa sa taong namatay

  1. Asawang babae
    ※Asawang babae 30 taong gulang pababa na walang anak
    Tatanggap ng pension sa limang taon.
  2. Anak o apo
    ※Ang tinatawag na anak o apo ay ang mga babanggitin lamang sa ibaba
    • Sino mang ang edad ay hindi pa umaabot ng 18 taong gulang sa Marso 31 ng fiscal year
    • Sino mang may kapansanan na 20 taong gulang pababa na ang kapansanan ay level 1-2
      ※Asawa ng namatay na may anak o anak ng namatay
      Matatanggap rin ang basic survivor's pension.
  3. Asawang lalaki na 55 taong gulang o higit pa ng namatay
    Matatanggap ang pension sa ika-60 kaarawan. Ang asawang lalaki na tumatanggap ng basic survivor's pension lamang ang maaaring tumanggap ng survivor's welfare pension.
  4. Magulang, lolo at lola
    (Tatanggap ng pension mula 60 taong gulang)

※Pagkakasunod-sunod ng taong unang makakatanggap ng pension

  1. Asawang babaeng may anak
  2. Anak
  3. Asawang babae na walang anak
  4. Asawang lalaki
  5. Magulang
  6. Apo
  7. Lolo at lola

Lump-sum withdrawal payment para sa mga dayuhang maikli lang ang pananatili sa bansa

Maaaring mag-aplay para sa lump-sum payment sa loob ng dalawang taon mula sa araw na umalis ng bansang Hapon.
Maaaring matanggap ang lump-sum withdrawal payment ng mga susunod. 

  1. Hindi Japanese national
  2. Nakapagbayad ng national pension insurance plan ng higit anim na buwan
  3. Umalis o hindi na miyembro ng national pension o employee's pension insurance
  4. Umalis na sa bansang Hapon
  5. Miyembro o bayad sa insurance premium ng 10 taong pababa
    ※Sa mga 10 taong o higit ng miyembro
    (Ikaw ay maaaring makatanggap ng basic old age pension)
    Hindi ka makakatanggap ng lump-sum withdrawal payment subalit maaari mong matanggap ang basic old age pension ng bansang Hapon.

Social security agreement

Nabuo ang social security agreement sa pagitan ng bawat bansa para maiwasan ang pagbabayad ng dalawang magkaibang public pension system.

Para saan ang social security agreement

  • Ito ay para maiwasan ng isang tao ang pagbabayad ng dalawang magkaibang public pension system.
  • Ito ay para masigurong makakatanggap ng pension.
    (Pagkalkula sa lahat ng panahong miyembro ng pension)
    (ito ay para gawing mas maikli ang panahong dapat miyembro ng public pension para makatanngap nito)

Kapag nag-aplay ng lump-sum withdrawal payment, hindi na maaaring isali sa bilang na miyembro ng ikaw ay nasa bansang Hapon.