Tungkol sa pagpunta sa mga paggamutan
Araw-araw na pagsubaybay sa kalusugan, pag-iwas at lunas sa sakit
Nahahati sa dalawang uri ang mga paggamutan sa bansang hapon. Ito ay ang klinika at ospital.
Ang bawat paggamutan ay may kanya-kanyang paraan sa paggamot at espesyalisasyon.
Mahagalagang malaman ang mga paggamutang malapit mula sa iyong tinitirhan.
Ospital
Karamihan sa mga ospital ay may iba't ibang departamento, kagamitan sa paggamot at staff, subalit may kamahalan ang unang pagpapatingin lalo kapag wala kang referral letter na dala. Mahaba rin ang oras ng paghihintay at maikli laman ang oras para sa konsultasyon.
Klinika
Ang mga paggamutang ito ay malapit lang sa tinitirhan mo at maaari mong ikonsulta ang araw-araw na kalagayan ng kalusugan ng iyong pamilya subalit hindi sila nagsasagawa ng malalaking operasyon.
Magkakaiba ang medical department depende sa paggamutang pupuntahan.
Mga pangunahing uri ng klinika
Mas maiging bumisita o magpatingin sa klinika kung ang sakit mo ay sinat o hindi naman malala ang karamdam.
Mahalaga ring magkaroon ng pinagkakatiwalaang pinakamalapit na klinika para sa pamilya upang tuloy-tuloy na masubaybayan ang inyong sintomas.
Mga karamadaman | Pangalan ng klinika |
---|---|
Kapag nilalagnat, atbp. at masama ang pakiramdam | Internal medicine (naika) |
Kapag nanlalabo ang paningin, masakit ang mata, atbp. | Eye doctor (ganka) |
Kapag may problema sa pandinig o ilong | Ear and nose specialist (jibika) |
Kapag ikaw ay may problema sa balat at kuko sa kamay o paa | Dermatologist (hifuka) |
Kapag nabalian ng buto o pananakit ng katawan | Orthopedic surgery (seikeigeka) |
Kapag masakit ang ngipin, atbp. | Dentist (shika) |
Kapag nakakaramdam ng depression | Psychiatry and psychosomatic medicine (seishinka, shinryonaika) |
Kapag masama ang pakiramdam ng anak | Pediatrician (shonika) |
Kapag buntis | Obstetrics (sanka), Department of obstetrics and gynecology (sanfujinka) |
Sakit, atbp., na nararanasan ng mga babae | Gynecologist (fujinka), Department of obstetrics and gynecology (sanfujinka) |
Mga paalala kapag magpapagamot
- Kapag magpapatingin o magpapagamot, kailangan mong sulatan ang porma ng aplikasyon para sa unang pagpapasuri. (May bayad ang unang pagpapasuri).
- Ang haba ng oras ng appointment mo sa pagpapasuri ay iba-iba depende sa pupuntahang klinika. Kung maaari, tawagan at magtanong sa pupuntahang klinika.
- Kapag walang dala o hindi mo nadala ang health insurance card mo, babayaran ang halagang gagastusin sa pagpapasuri.
- Ang health insurance card ay kailangang ibigay at ipakita buwan-buwan.
- Kailangan ding ibigay at ipakita ang health insurance card kapag bago.
- Kapag ikaw ay naglalakbay (sa ibang bansa) o hindi mo dala ang iyong health insurance card dahil sa biglaan o sa hindi inaasahang pangyayari, ang buong halaga ng gagastusin sa pagpapasuri ay kailangan mong bayaran subalit maaari kang mag-aplay para maibalik ang halagang dapat bayaran ng kinabibilangang insurance.
- Dalhin ang sumusunod
- Health insurance card
- Residence card, pasaporte, mga patunay ng pagkakakilanlan
- Perang cash (Maaari ring magbayad sa credit card.)
- Kung meron dalhin ang booklet ng mga gamot. (kung wala, maaari kang humingi sa botika)
(Nakasulat sa booklet na ito ang lahat ng mga gamot na ibinigay sa iyo. Aalamin ng parmasyutiko ang kombinasyon ng mga gamot para malaman kung epektibo ang gamot na ibinigay sa iyo.)
Mga gagawin para makapagpasuri sa general hospital
Kapag kauna-unahang pagpapasuri
Mas madaling makakapagpasuri at hindi mo kailangang magbayad ng bayad para sa kauna-unahang pagsusuri kapag may referral letter kang dala.
Pumunta sa klinikang lagi mong pinupuntahan kapag magpapagamot at humingi ka sa doctor ng referral letter bago ka magpunta sa general hospital.
- Ibigay at ipakita sa receptionist ng ospital na pupuntahan ang iyong insurance card at referral letter. (kung may dala kang referral letter)
Ipaliwanag ang iyong nararamdaman at sabihin mo kung saang departamento mo gustong pumunta.
(Minsan kailangan mong isulat ang iyong nararamdamang sakit sa isang medical history form.) - Kunin ang patient ID card na ibinigay sa iyo ng receptionist sa service window ng departamento kung saan ka susuriin.
Maghintay na tawagin ang iyong pangalan. - Kapag tinawag ang iyong numero, pumasok sa exam room at ipaliwanag sa doctor ang iyong nararamdaman.
- Pagkatapos mong masuri, pumunta sa payment window at bayaran ang anumang babayaran sa pagpapagamot.
- Kapag binigyan ng reseta ng gamot, dalhin ito sa botika at kunin ang gamot na kailangan.
Kapag kailangang pumunta sa ospital para sa follow-up check up
Ipakita sa reception window ang dalang patient ID card at maghintay na tawagin.
Sundin mo lang ang ginawa mo sa unang pagpapasuri mo.
Magbabayad ng dagdag na bayad kapag magpapasuri sa kaparehong ospital sa ikalawang pagkakataon kahit na nirefer sa ibang ospital para magpagamot.
Pagpapa-ospital
- May iba't ibang uri ang kwartong maaaring gamitin sa mga ospital tulad ng pribadong kwarto, pandalawang kwarto at kwartong pangmarihan.
- May mga pagkakataong kailangang magsama ng magbabantay sa iyo sa ospital.
- Dalhin ang health insurance card at mga gamit na ginagamit sa araw-araw tulad ng pajama, tuwalya, gamit sa pagsisipilyo, paghilamos ng mukha, atbp.
- May mga pagkakataong kailangang maghanap ng taong mag-gagarantor at magbayad ng deposito.
Ang guarantor ay taong magbabayad kahalili ng pasyente kung sakaling ang pasyente ay hirap magbayad sa pagpapagamot at pagpapa-ospital, ito rin ang taong tatawagan sa panahon ng kahit anong emerhensiya.
Gifu-shimin-byoin o Gifu Municipal Hospital
Ang ospital na ito ang pinakasentrong paggamutan sa lungsod na nagbibigay ng dekalidad at makabagong paraan ng paggamot.
Lokasyon
7-1 Kashima-cho, Lungsod ng Gifu
Telepono
058-251-1101 (main number)
Homepage
Mga Departamento
Internal medicine, diabetes/endocrinology, psychiatry, neurology, respiratory oncology, gastroenterology, hematology, cardiology, nephrology, pediatrics, surgery, breast surgery, orthopedic surgery, neurosurgery, respiratory surgery, cardiovascular surgery, dermatology, urology, obstetrics & gynecology, ophthalmology, otolaryngology (ENT), head & neck surgery, rehabilitation, radiology, anesthesiology, pathology, clinical laboratory, dentistry, dental surgery
Oras sa pagtanggap ng mga outpatient (unang pagpapasuri)
Lunes - Biyernes ng 8:00am - 11:00am
Araw na sarado ang tanggapan ng outpatient
Sabado, Linggo, mga araw na piyesta opisyal at huli at unang araw ng taon o bagong taon
Kompletong pisikal na eksaminasyon
*Kailangan ng reserbasyon alinman sa mga pagsusuri na gustong gawin.
- Kalahating araw
8:30am - 12:30pm - Pagsusuri sa utak
Tanghali ng Martes at Huwebes (halos tatalong oras) - PET-CT scan
Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes (halos 3 oras) - Hepatobiliary and pancreatic cancer checkups
Lunes, Miyerkules, Biyernes (halos 3 oras)
Iba pa
Female outpatient care, second opinion outpatient care, palliative outpatient care, Cancer Consultation Support Center, Dementia Medical Center, etc.
Paalala
Karaniwang hinihingi ang dagdag na bayad na 7,700 yen sa mga taong unang pagpapasuri na walang dalang referral letter mula sa ibang ospital.
<Kahit may dalang medical welfare recipient certificate (bata, single parent na pamilya, atbp.) ay kailangang magbayad kapag walang dalang referrall letter.>
Biglaang nagkasakit sa gabi, linggo o mga araw na piyesta opisyal
Dalhin
- Health insurance card
- Medical welfare recipient certificate
- Boshikenkotecho o makaina at sanggol na manwal ng kalusugan
- Booklet ng mga gamot
- Perang cash
- Referral letter mula sa paggamutang laging pinupuntahan, atbp.
Paalala
Karaniwang hinihingi ang dagdag na bayad na 7,700 yen sa mga taong unang pagpapasuri na walang dalang referral letter mula sa ibang ospital.
<Kahit may dalang medical welfare recipient certificate (bata, single parent na pamilya, atbp.) ay kailangang magbayad kapag walang dalang referrall letter.>
Holiday Sudden Illness Center (inside Gifu Municipal Hospital)
-
Lokasyon
- 7-1 Kashima-cho, Lungsod ng Gifu
-
Telepono
-
058-253-7277
-
Departmento
-
- Internal medicine
-
Pediatrics
-
Araw na bukas
-
- Linggo
- Araw na piyesta opisyal
- Huli at unang araw ng taon o bagong taon (Disyembre 31 - Enero 3)
-
Oras na bukas
-
- 9:00am - 1:00pm
- 2:00pm - 6:00pm
- 7:00pm - 11:00pm
-
Reception
-
30 minuto bago at pagkatapos ng oras ng iyong appointment
Pediatric Nighttime Sudden Illness Center (inside Gifu Municipal Hospital)
-
Lokasyon
- 7-1 Kashima-cho, Lungsod ng Gifu
-
Telepono
-
058-251-1101
-
Departmento
- Pediatrics
-
Araw na bukas
-
Lunes - Sabado
-
Oras na bukas
-
7:30pm - 11:00pm
-
Reception
-
7:00pm - 10:30pm
Department of Pediatrics, Gifu Municipal Hospital
-
Telepono
-
058-251-1101
-
Departmento
-
Pediatrics
-
Araw na bukas
-
Araw-araw
-
Oras na bukas
-
11:00pm - 8:00am the susunod na araw
Holiday Sudden Illness Dental Center (inside Gifu Municipal Hospital)
-
Lokasyon
- 7-1 Kashima-cho, Lungsod ng Gifu
-
Telepono
-
058-253-7337
-
Departmento
-
Dentistry
-
Araw na bukas
-
- Linggo
- Araw na piyesta opisyal
- Huli at unang araw ng taon o bagong taon (Disyembre 31 - Enero 3)
-
Oras na bukas
-
- 9:00am - 1:00pm
- 2:00pm - 6:00pm
-
Reception
-
30 minuto bago at pagkatapos ng oras ng iyong appointment
Iba pang maaaring gawin kapag biglaang nagkasakit sa gabi, mga araw na piyesta opisyal, atbp.
Kapag biglaang nagkasakit at nag-aalala sa nararamdaman, komonsulta sa paggamutang laging pinupuntahan.
Kapag walang doktor o manggagamot
Tawagan ang (24 oras ang suporta・libre ang konsultasyon)
Emergency Relief Center Gifu #7119
Kapag hindi makapasok sa linya tumawag sa (058) 216-0119
Bago magpunta para sa pagpapatingin
Tawagan ang paggamutang nirekomenda sa iyo.
Emergency phone consultation para sa mga bata
Tawagan ang numero sa ibaba kung nais komonsulta tungkol sa paggamit ng first aid para sa mga bata at paggamutang maaaring puntahan.
Cell phones/push-button landlines
#8000
Non push-button landlines and public phones
058-240-4199
Bukas
- Lunes - Biyernes
6:00pm - 8:00am ng susunod na araw - Sabado, Linggo, mga araw na piyesta opisyal, huli at unang araw ng taon o bagong taon (Disyembre 29 - Enero 3)
8:00am - 8:00am ng susunod na araw (24 oras ang suporta)
Tungkol sa pagpunta sa mga pampublikong paggamutan
Pangalan ng ospital |
Lokasyon |
Telepono |
---|---|---|
Gifu University Hospital |
1-1 Yanagido, Lungsod ng Gifu |
058-230-6000 |
Gifu Prefectural General Medical Center |
4-6-1 Noisshiki, Lungsod ng Gifu |
058-246-1111 |
Japanese Red Cross Gifu Hospital |
3-36 Iwakura-cho, Lungsod ng Gifu |
058-231-2266 |
Nagara Medical Center | 1300-7 Nagara, Lungsod ng Gifu | 058-232-7755 |