Konsultasyon tungkol sa DV, Seikatsu-hogo o public assistance, at iba pang mga suliranin
Seikatsu-hogo o Public Assistance
Ang seikatsu-hogo o public assistance ay sistema para tulungan ang pamilyang hirap mapanatili ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pamimigay ng panandaliang pundo para masuportahan nila ang kanilang mga sarili sa madaling panahon.
Siniseguro ng seikatsu-hogo o public assistance na magkaroon ang lahat ng mamamayan ng maaayos na antas ng pamumuhay.
Sa mga katanungan
Seikatsufukushi-ikka, nika o Life Welfare Division 1, 2 (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 3F/Telepono 058-214-2156)
Seikatsu-hogo o public assistance para sa mga dayuhan
Ayon sa nakasulat sa Article 1 ng Public Assistance Act, "ang estado ay kinakailangang protektahan ang kaniyang mga mamayan ayon sa pangangailangan nito", subalit walang nakasulat na ang mga dayuhan ay saklaw ng batas na ito.
Subalit, ang national government ay nagbigay ng abiso sa lahat ng munisipalidad sa bansa na bigyan ng public assistance sa parehong batas ang mga dayuhang legal na naninirahan sa bansa tulad ng mga permanent resident, long-term resident, atbp.
*Mga hakbang para mabigyan ng public assistance ang mga dayuhang hirap mapanatili ang
(Paalala mula sa Director General ng Social Affairs Bureau, Ministry of Health and Welfare, Blg. 382, petsa Mayo 8, 1954)
Ang lungsod ng Gifu ay namimigay ng public assistance sang-ayon sa abisong ito mula sa national governement.
Tulong na maaaring matanggap (tulong na galing sa seikatsu-hogo o public assistance)
Ang uri ng tulong na ibibigay ay depende sa kasalukuyang kinalalagyan ng sambahayan para maibigay ang kinakailangang tulong.
Walong uri
- Tulong pamumuhay
- Tulong sa tirahan
- Tulong sa pag-aaral
- Tulong para mapangalagaan ang kalusugan
- Tulong pangmedikal
- Tulong sa pag-aaral at paghahanap ng trabaho
- Tulong sa panganganak
- Tulong sa pagpapalibing
Seikatsukonkyuusha-jiritsushien o suporta para sa mga nahihirapang mapanatili ang pamumuhay
Ang tanggapang ito ay nagbibigay ng counseling sa mga taong hirap mapanitili ang kanilang pamumuhay at matulungan silang maiahon ang sarili.
Huwag pong mahihiyang komonsulta.
Sa mga katanungan
Gifu City Life and Work Support Center Telepono 058-265-3777 (kailangan ng appointment)
Pautang para sa pinansiyal na pangangailangan
Maaaring manghiram ng halagang gagamitin sa pamumuhay at pag-aaral.
Sa mga katanungan
Gifu City Social Welfare Council (2-2 Miyako-dori, Lungsod ng Gifu/Telepono 058-253-0294)
Taong maaaring mag-aplay
- Pamilyang mababa ang kita
- Pamilyang may hawak ng physical disability or intellectual disability booklet
- Sambahayan na may kasamang matandang may edad na 65 taong gulang pataas na nangangailangan ng ng pangangalagang medikal
Welfare fund loans
Nagpapautang sa mga taong nangangailangan ng pansamantala o panandaliang tulong pinansiyal.
May mga batayan sa pag-aplay, komonsulta muna.
Sa mga katanungan
Life Welfare Division 2 Tanggapan ng tumutulong sa mga taong hirap sa pamumuhay (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 3F/Telepono 058-214-2158)
Domestic violence o DV
Komonsulta dito kung ikaw ay nakakaranas o namomoblema sa pangmamaltrato ng iyong asawa at kinakasama.
Sa mga katanungan
Tanggapan ng konsultasyon para sa DV ng lungsod ng Gifu Telepono 0120-783-305 <direct line para sa konsulta>
Araw at oras
- Lunes - Biyernes
(Sarado sa mga araw na piyesta opisyal at sa huli at unang araw ng taon o bagong taon) - 9:00am - 4:45pm
Shimin sodan o konsultasyon mula sa mamamayan
Lugar ng konsultasyon
Shimin Soudan-shitsu o Civic Consultation Division
Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 2F
Telepono
058-214-6028
Bayad
Libre ang konsultasyon.
*Ang konsultasyon para sa pamumuhay, aksidente sa daan, at okupasyon ay maaaring ikansela kung wala ang tagapayo.
Konsultasyon tungkol sa municipal administration
Kahilingan at opinyon sa pamamahalakad sa lungsod
(dadalhin kayo sa departamento)
Araw・Oras
Lunes - Biyernes 8:45am - 5:30pm
Pamumuhay
Suliranin sa pang-araw-araw na pamumuhay
(tulad ng diborsyo, problema sa pagitan ng mag-anak,atbp.)
Araw・Oras
Lunes - Biyernes 9:00am - 12:00pm 1:00pm - 4:00pm
Aksidente sa daan
Pakikipag-ayos, kompensasyon, pagbabayad pinsala sa asksidente, atbp.
Araw・Oras
Martes, Huwebes, Biyernes 9:00am - 12:00pm 1:00pm - 4:00pm
Trabaho, atbp.
Mga bagay na may kinalaman sa trabaho at pagproseso ng social insurance, atbp.
Araw・Oras
Biyernes 9:00am - 12:00pm 1:00pm - 4:00pm
Okupasyon
Bagay na may kinalaman sa paghahanap ng trabaho
Araw・Oras
Martes - Biyernes 1:00pm - 4:30pm
Batas
Isyung legal tulad ng sibil, pamamahay, kriminal, atbp.
〈Kailangan ng appointment at 20 minuto lamang ang konsultasyon〉
Araw・Oras
Lunes, Miyerkules, Biyernes 1:00pm - 4:00pm
Administratibo
Mga kahilingan at opinyon sa pamamalakad ng pamahalaan, atbp.
Araw・Oras
Martes 1:00pm - 4:00pm
Karapatang pantao
Karapatang pantao tulad ng ijime o pang-aapi at diskriminasyon
Araw・Oras
Martes 1:00pm - 4:00pm
Real estate
Gulo at problema sa pakikipagtransaksyon at pamamahala ng real estate
Araw・Oras
1 - 4 na Martes ng buwan (Hindi tumatanggap ng konsultasyon sa ikalimang martes ng buwan) 1:00pm - 4:00pm
Mga suliranin
Mga suliranin at inaalalang sa loob ng pamamahay, atbp.
Araw・Oras
Ikalawa at ika-apat na Miyerkules 1:00pm - 4:00pm
Konstruksyon
Iba't ibang suliranin sa bagong pagpapagawa at pagpapalawak, at pagsuri sa earthquake resistance ng gusali
Araw・Oras
Ikatlong Miyerkules 1:00pm - 4:00pm
Buwis
Buwis sa kita, mana at pagtanggap ng regalo, at iba pang mga bagay na may kinalaman sa buwis. <Kailangan ang reserbasyon. Hanggang 20 minuto sa isang tao lamang>
Araw・Oras
Huwebes 1:00pm - 4:00pm
Rehistrasyon
Pagmana, rehistro at deposisyon ng real estate, atbp. <Kailangan ang reserbasyon. Hanggang 20 minuto sa isang tao lamang>
Araw・Oras
Huwebes 1:00pm - 4:00pm
Saklaw ng lupain
Lawak ng lupain, pagsuri sa lupa at gusali at pagpaparehistro ng titulo
Araw・Oras
Ikalawa at apat na Huwebes 1:00pm - 4:00pm
Administratibong bagay
Pamana, pagkakasundo sa paghahati-hati ng pamana, will & testament, proseso sa pagpapatala, atbp.
Araw・Oras
Ikatlong Biyernes 1:00pm - 4:00pm
Kasal*
Pagpapayo at pagpapakilala ng mga taong nais makahanap ng papakasalan
Tumawag ng direkta sa araw ng konsultasyon
058-262-2058
Araw・Oras
Lunes, Ikaapat na Linggo
(Sa araw ng linggo lamang kailangan ang reserbasyon. Sarado ang lunes na susunod sa ikaapat na linggo)
9:00am- Tanghali 1:00pm - 3:00pm
*Maaaring gamitin ang Gifu Koiki Marriage Consultation Support Network (Omisapo Gifu)