Long-term care insurance
Ang long-term care insurance ay maaaring gamitin ng taong nasa 40 taong gulang o pataas na nangangailangan ng long-term care. May pangkalusugan, medikal, at welfare services ang magagamit ng mga miyembro ng insurance na ito.
Sa mga katanungan
Kaigohoken-ka o nursing care division (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 2F/Telepono 058-214-2089)
Saklaw
Tao na mananatili sa bansang Hapon ng higit tatlong buwan, o mga taong babanggitin sa ibaba.
Tao na 65 taong gulang pataas (saklaw ng Category 1 Insured person)
Maaaring gamitin ang serbisyo kapag napatunayang kailangan ang pangangalaga at suporta.
Mga taong nasa pagitan ng 40 taong gulang pataas at hindi bababa ng 65 taong gulang at miyembro ng medical insurance (saklaw ng Category 2 insured person)
Ang serbisyong ito ay para sa mga miyembro ng medical insurance na nangangailangan ng pagkalinga o suporta dahil sa pagkakasakit dulot ng katandaan.
Mga dahilan para hindi maggamit ang serbisyong ito
- Kapag umalis sa lungsod ng Gifu
- Kapag umalis sa kinabibilangang health insurance ang taong nasa 40 - 65 taong pababa
Long-term care insurance premium
- Category 1 insured person
Ito ay ibinabatay sa kung magkanoo ang halaga ng premium ng isang tao.
Pinagbabasehang halaga:6700 yen bawat buwan, subalit ito ay maaaring mag-iba depende kung alin sa 13 income bracket ang insured person ay kabilang.
Ipapaalam sa inyo ang buong detalye sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo. - Category 2 insured person
Ang halaga ng babayaran para sa insurance premium ay kinakalkula base sa kung paano kinakalkula ang premium ng health insurance na kinabibilangan.
Paano magbabayad ng long-term care insurance premium
Maaaring lilimitahan ang maaaring maggamit na serbisyo kung sakaling hindi wasto ang bayad sa long-term care insurance.
- Category 1 insured person
(Ang dalawang uri ng pagbabayad ay special collection at normal collection.)- Special collection
Kinakaltas ito mula sa public pension payments. - Normal collection
Ito ay pagbabayad ng insurance premiums sa pamamagitan ng payment slip at sa bangko
- Special collection
- Category 2 insured person
Kailangan mong bayaran ang insurance premium nito kasabay ang insurance premium ng iyong health insurance.
Pagtanggap ng long-term care insurance services
Para maggamit ang long-term care service, kailangan munang mag-aplay para ma-aprobahan ang aplikasyon.
Pagpapa-aproba ng aplikasyon
- Saan iaaplay
Kaigohoken-ka/nursing care division o sa mga maliliit na opisina ng bulwagan - Mga organisasyong maaaring humalili sa pag-aplay
- Regional Comprehensive Support Center ng lungsod ng Gifu
- Nakatakdang mga residential care support services
- Pasilidad ng mga nursing care
Pagbigay ng aproba
- Paano ginagawa ang pag-aproba
Ang komite ng mga eksperto sa medical care, health and welfare ang magbibigay ng desisyon kung ang aplikante ay karapat-dapat na mabigyan o magamit ang long-term care services. - Batayan sa pag-aproba
- Ang staff ay bibisita sa tahanan ng aplikante para malaman ang pisikal at mental na kalagayan nito
- Hihingin ang opinyon ng inyong primary doctor
(magsusumite ang inyong doktor ng statement ng kanyang opinyon)
- Mga baitang sa pagbibigay ng resulta
- Hindi saklaw
Hindi makakagamit ng long-term care insurance services - Nangangailangan ng level 1-2 support
Maaaring gamitin ang long-term care prevention services - Nangangailangan ng level 1-5 long-term care
Maaaring gamitin ang long-term care services
- Hindi saklaw
Haba ng panahong maaaring gamitin
- Bagong aplikasyon o pagpapabago ng ilang bahagi sa aplikasyon Kalimitan 12 na buwan
- Pag-renew ng aplikasyon Tatlong taon o 4 na taon
Babayaran
Kapag gagamitin ang long-term insurance services ang babayaran para sa serbisyo ay nasa 10-30%.
Subalit, may maximum limit ang halagang babayaran ng insurance na kinabibilangan.
Mga pangunahing serbisyong magagamit na nangangailangan ng level 1-5 long-term care
Home services
Pagbisita sa tahanan ng taong nangangailangan ng alaga (home help services), kasama na rito ang pagpapaligo, pag-aalaga, rehabilitasyon, atbp.
Community-based services
Kasama dito ang palagiang pag-monitor sa kalagayan ng nangangailangan ng alaga, on-demand long-term care/ nursing
long-term care sa gabi, atbp.
Pagpapaayos ng bahay para sa long-term care
Makakatanggap ng subsidy para sa gagawing kaunting pagpapaayos ng bahay tulad ng pagpapakabit ng railings, pagpapatanggal ng matataas na hagdan para maging barrier free ang bahay, atbp.
Long-term home care support
Pagbuo ng mga long-term care plan
(walang babayaran ang gagamit ng serbisyo)
Mga facility services
Long-term care facility para sa mga matatanda (special nursing home para sa mga nangangailangan ng level 3 long-term care), long-term care health facility para sa mga matatanda, long-term care medical facility, long-term care medical institutions or clinic
Mga pangunahing serbisyo na matatanggap ng taong kailangan ng level 1-2 support
Long-term care prevention services
- Home visit para sa pagligo, at nursing services
- Home visit rehabilitation services, atbp.
Long-term care prevention, pangkalahatang tulong sa araw-araw na pamumuhay
Long-term care home visits, long-term care day services
Community-based long-term care services
Long-term care prevention independence support services para sa may dementia, small-scale living assistance, communal living para sa may dementia (ito ay para lamang sa mga nangangailangan ng level 2 support)
Pagpapaayos ng bahay para sa long-term care prevention
Makakatanggap ng subsidy para sa gagawing kaunting pagpapaayos ng bahay tulad ng pagpapakabit ng railings, pagpapatanggal ng matataas na hagdan para maging barrier free ang bahay, atbp.
Suporta para sa long-term care prevention
Pagbuo ng long-term care prevention service plan (long-term care prevention plan) (walang babayaran ang makakatanggap)
Iba pang mga serbisyo
Supply ng gamit sa long-term care para sa pamilyang mababa ang kita
Ang susunod na tao ay makakatanggap ng voucher para sa diaper.
- Taong nangangailangan ng level 3-5 long-term care at nasa bahay lamang.
- Pamilyang hindi sakop o exempted sa pagbabayad ng municipal tax.
Subsidy para sa mga matatanda sa pagpapaayos ng tahanan
Sino man sa mga susunod ay maaaring makatanggap ng tulong.
- Taong nangangailangan ng level 1-5 long-term care
- Naninirahan sa lungsod ng Gifu ng higit 1 taon.
- Pamilyang hindi sakop o exempted sa pagbabayad ng municipal tax.
※Subalit, ang maaaring matanggap ay 700,000 yen lamang.