Welfare services para sa mga may kapansanan
Ang lungsod ay namimigay ng iba't ibang uri ng tulong para sa mga taong may pisikal o intelektwal na kakulangan, katulad ng konsultasyon, pamimigay ng benepisyo, gastusin sa pagpapagamot, at maggamit ang welfare services at pasilidad para sa mga may kapansanan.
Sa mga katanungan
Shogaifukushi-ka o Physically Challenged Persons' Welfare Division (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 1F/Telepono 058-214-2137)
Support classification sa may kapansanan
Nahahati mula sa level 1 - 6 ang support classification sa may kapansanan.
Para maging patas at walang pinapanigan ang pagtukoy kung anong klaseng suporta ang kailangan ng isang taong may kapansanan, ang lungsod ng Gifu ay nagtatag ng Disability Support Classification Determination Committee.
Mga batayan sa paggawa ng desisyon
Ang lungsod ang magtatakda ng kategorya ng tulong para sa mga may kapansanan.
※Ano ang support classification sa may kapansanan
Ito ay isa sa mga pangunahing sangkap sa paggawa ng desisyon kung anong serbisyo ang magagamit ng taong may kapansanan, gaano kadalas nila maaaring maggamit ang mga ito, atbp.
Sa paggawa ng desisyon kung anong suporta ang kailangan ng isang may kapansanan, isinasaalang-alang nila ang pagkakaiba-iba ng bawat kapansanan, ang mental at pisikal na kalagayan ng bawat tao, atbp.
Maaaring mag-aplay para rito ang kahit sinong may kapansanan na 18 taong gulang pataas.
Paalala
Hindi binuo ang support classification sa may kapansanan para gumawa ng desisyon sa pagtanggap ng benepisyo para sa training service.
(Hindi kasali ang ibang serbisyo para sa mga tumatanggap ng communal living assistance)
Mga uri ng welfare services para sa may kapansanan
Long-term care assistance
Ang long-term care ay ibinibigay sa mga taong kailangan ng pangangalaga sa araw-araw nilang gawain dahil sa kapansanan. Kasama na rito ang maibibigay na tulong ng mga domestic care worker, facility care worker, atbp.
- Long-term home care
Ikaw ay tutulungan sa iyong pagligo, paggamit sa palikuran, pagkain, atbp. Ikaw ay sasamahan ng care worker sa pagpunta sa ospital. - Home care visit para sa mga may malubhang kapansanan
Kung ikaw ay hirap na hirap gumalaw at gumawa ng mga gawain dahil sa malalang kapansanan sa katawan at pag-iisip, at kailangan mo ng palaging mag-aalalay, matutulungan ka nila sa lahat ng sitwasyon mula sa pag-aalaga sa iyo sa bahay at pag-labas ng bahay. - Comprehensive care para sa mga may malalang kapansanan
Ang disability at welfare services tulad ng pag-aalaga sa bahay o home care ay maaaring gamitin ng sabay hindi lamang ng mga taong laging nangangailangan ng kalinga pati na rin ng mga taong kailangan-kailangan ng pag-aalaga. - Behavioral support
Ito ay para matulungan ang mga taong may kapansanan sa pag-iisip na hirap na hirap gumalaw at kailangan ng alalay lalo na kapag ito ay lalabas ng bahay at maiwas sa kapahamahakan. - Accompanying support
Para mga taong may kapansanan na hirap gumalaw dahil sa kapansanan sa paningin ay maaaring samahan ng support staff sa paglabas, mabigyan ng mga kailangang impormasyon, tulungang gumawa ng mga kailangang gawin, pagpunta sa palikuran, paggawa ng pagkain, at pagbigay ng iba pang kailangang tulong. - Short-term admissions (short stays)
Maaaring ipasok sa maikling panahon ang taong may kapansanan sa pasilidad para matulungan sa pagligo, pagdumi, pagkain, atbp. kapag ang tagapag-alaga ay nagkasit, atbp. - Long-term physical therapy
Sa mga pasilidad tulad ng ospital, tutulungan ang mga pasyenteng mag-ensayo sa paggalaw ng katawan, malaman ang kalagayan, mabigyan ng pag-aalaga at tulong sa araw-araw na gawain habang nasa ospital. - Long-term living assistance
Ito ay para matulungan ang mga taong laging nangangailangan ng pangangalaga tulad ng pagligo, pagdumi, pagkain iba't ibang masasayang gawain lalo na sa mga support facility para sa may kapansanan sa umaga. - Facility admission support
Tulong sa pagpaligo, pagpunta sa palikuran, pagkain, atbp. para sa mga naka-admit sa pasilidad
Training support assisatance
Makakatanggap ng training support, atbp., ang taong may kapansanan para bumuti ang kalagayan ng parte ng katawan na napinsala, mabigyan ng lakas ng loob na mamuhay mag-isa at maghanap ng trabaho.
- Shared living support (group homes)
Para mabigyan ng pagkalinga sa paligo, pagkain, pagpunta sa palikuran, atbp., lalo na sa gabi o araw na piyesta opisyal sa mga community living area. - Independence training (function restoration, training for living independently)
Ito ay pagsasanay para manumbalik ang mga kakayahang pampisikal at mga kakayahang magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay batay sa plano ng suportang para sa mamamayan. - Suporta sa paghahanap ng trabaho
Sa mga gustong magtrabaho, may mga pagsasanay para mapaunlad ang kaalaman at kakayanang kailangan sa trabaho at practical work experience, tulong sa paghahanap ng trabaho ay ginagawa batay sa support plan para sa nakatakdang panahon lamang. - Tuloy-tuloy na tulong sa paghahanap ng trabaho (A type・B type)
Para sa mga hirap makapasok sa mga regular na kompanya, matutulungan ka na mabigyan ng lugar na mapagtatrabahuan at training para mapaunlad ang kaalaman, kakayanan na kailangan sa paghahanap ng trabaho at iba pang tulong na kailangan. - Tulong sa paghahanap ng trabaho
Para matulungan ang taong may kapansanan na kakapasok o papasok pa lang sa kompanya, atbp., sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, para maging independent, atbp., suporta para sa paghahanap ng trabaho, atbp. o suporta para magtagal sa isang kompanya, atbp., ang serbisyong ito ay makakatulong para makipagkooperasyon at matulungan ang taong may kapansanan. - Independent living support
Ito ay para matulungan ang mga taong mag-isang namumuhay sa kanilang mga pangunahing pangangailangan at magkaroon ng kaalam kung paano makakatulong, atbp.
Tulong para sa mga batang may kapansanan
Makakatanggap ng pagsasanay para matulungan ang batang may kapansanan sa mga ginagawa sa araw-araw at pamumuhay kasama ang iba pang tao at bata. Ang suportang ito ay tumutukoy sa tulong sa pagbibigay ng training.
- Child development support
Ito ay para mabigyan ng kasanayan sa pangunahing gawain sa araw-araw, maibahagi ang kaalaman at kasanayan, at magkaroon ng karanasan sa pakikipaghalubilo kasama ang ibang bata. - Home visit child development support
Ang mga bata ay bibigyan ng pagsasanay para mapalawak ang kanilang kakayanan sa pamumuhay, madagdagan ang pakikipag-ugnayan sa lipunan, atbp. pagkatapos ng klase at mga pagkakataong mahaba ang bakasyon tulad ng summer vacation. - Home visit child development support
Ito ay pagbisita sa tahanan ng batang may malalang uri ng kapansanan dahil nahihirapaang lumabas at maturuan ng mga pangunahing aktibidad sa araw-araw at mabigyan ng kaalaman at kasanayan. - Daycare, atbp. visit support
Kapag ang batang pumapasok o planong papasok sa nursing center ay kailangan ng speciaized support para maka-adapt sa grupong pamumuhay sa loob ng nursing care, ang bata o ang mga staff ng support facility ay tutulungan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsasanay at magbigay ng kaalaman at magsasagawa ng pagbisita kung paano matutulungan ang bata na maka-adapt sa grupong pamumuhay.
Allowance, tulong, serbisyo, atbp.
Sa mga katanungan
Shogaifukushi-ka o Physically Challenged Persons' Welfare Division
(Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 1F/Telepono 058-214-2135)
- Special disability allowance
Ito ay para sa taong may mas malalang uri ng kapansanan na 20 taong gulang o higit pa. *Maaaring mag-aplay mayroon o wala mang shogaisha-techo o disability booklet. May limitasyon sa kita. - Special child-rearing allowance
Ito ay para sa mga taong may inaalagaang batang may kapansanan na 20 taong gulang pababa. *Maaaring mag-aplay mayroon o wala mang shogaisha-techo o disability booklet. May limitasyon sa kita. - Welfare allowance para sa mga batang may kapansanan
Ito ay para sa mga batang 20 taong gulang pababa na may malalang uri ng kapansanan. *Maaaring mag-aplay kahit wala o merong shogaisha-techo o disability booklet. May limitasyon sa kita. - Foreign national physical/mental disability welfare support payments
Ito ay para sa mga dayuhang residente sa bansang Hapon na may malalang uri ng kapansanan na walang tinatanggap na basic disability pension. *May limitasyon sa kita. - Home visit meal delivery service
Ito ay food delivery service tuwing pananghalian at hapunan para sa may kapansanang nasa bahay lamang. Ginagawa ang serbisyong ito para na rin matiyak na ligtas ang kanilang kalagayan (may bayad). *May mga sinusunod na batayan sa pag-aplay. - Support device partial reimbursement
Wheelchairs, artificial legs, hearing aids, atbp. Magbabayad kapag gagamitin. - Provision of daily living expenses
Special toilet bowl, special bed, atbp. May bayad kapag gagamitin. - Reduction/exemption ng mga taxes para sa may kapansanan
Maaaring mabawasan o walang babayaran sa automobile tax, light-motor vehicle tax, municipal at prefectural tax, income tax, at NHK broadcast fee. - Discount system para sa mga may kapansanan
Discount sa bayad sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon, atbp. - Motor vehicle renovation subsidy
Ito ay salaping tulong na ibinibigay sa mga taong may kapansanan sa katawan nais ipabago ang pagkakayari ng sasakyang minamaneho para mas madaling gamitin. *May limitasyon sa kita. - Subsidy para sa pagpapaayos ng sasakyan, atbp., para matulungan ang tagapag-alaga ng may kapansanan
Magbibigay ng subsidy ang lungsod para sa gagastusin sa pagpapaayos ng sasakyan o pagbili ng sasakyang binago para mas madaling gamitin ang wheel chair ng taong may malalang uri ng kapansanan ay ibibigay. *May limitasyon sa kita. - Home accessibility remodeling para sa may malalang kapansanan
Para mapaayos ang bahay na tinitirhan ng taong may malalang kapansanan na naninirahan sa lungsod ng halos isang taon, ilang bahagi na gagastusin sa pagpapaayos ay magmumula sa lungsod. *May limitasyon sa kita.
Konsultasyon
Consultation support para sa may kapansanan
Ang tanggapang ito ay nagbibigay ng general at specialized consultation, at ipapakilala kayo sa consultation support offices ayon sa inyong pangangailangan.
Sa mga katanungan
Shogaifukushi-ka o Physically Challenged Persons' Welfare Division (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 1F/Telepono 058-214-2572)
Mapigilan ang anumang pang-aabuso sa mga may kapansanan
〈Hotline〉058-265-5571
Ito ay para mapigilan ang pang-aabuso o muling pang-aabuso sa mga may kapansanan, magbigay ng kamalayan, konsultasyon, at mamagitan para mapigil ang anumang pang-aabuso.
Support services ng mga pangunahing konsultasyon
Ito ay para mabigyan ng komprehensibo at makadalubhasang kasagutan ang mga taong may kapansanan, magulang at nag-aalaga, at mabigyan ng kailangang impormasyon at payo sa pag-aalaga.
Maaari kayong humiling na bumisita ang professional counselor sa inyo o kayo ang bumisita.
Pangalan |
Lokasyon |
Telepono |
Distritong tinitirhan |
---|---|---|---|
Consultation support Satelite Cross |
3-2-1 Heiwa-dori, Lungsod ng Gifu | 058-213-0525 |
Kinka, Kyo-machi, Meitoku, Tetsumei, Hongo, Kinomoto, Honjo, Nagara, Nagara Nishi, Nagara Higashi, Misato, Sagiyama, Tokiwa, Iwanoda, Iwanoda Kita |
Consultation support Satelite Ukai |
1026 Hora, Lungsod ng Gifu | 058-293-1150 |
Shima, Soden, Josei, Noritake, Kida, Kurono, Katagata, Saigo, Nanasato, Ichihashi, Kagashima, Godo, Ajiro |
Consultation support Satelite Funabuse |
4-10-18 Hino Higashi, Lungsod ng Gifu | 058-244-2777 | Bairin, Hakusan, Kayo, Hino, Nagamori Minami, Nagamori Kita, Nagamori Nishi, Nagamori Higashi, Iwa, Atsumi, Akutami, Aikawa, Akutami Higashi, Akutami Minami, Miwa Minami, Miwa Kita |
Consultation support Satelite Funabuse Minami |
1-167-2 Akanabe Shinsho, Lungsod ng Gifu | 058-201-3111 | Kano Higashi, Kano Nishi, Akanabe, Uzura, Hikie, Yanaizu-cho |
Konsultasyon para sa tulong sa pamumuhay at trabaho ng taong may kapansanan
Para matulungan ang mga taong may kapansanan na maging independent lalo na sa paghahanap ng trabaho, ang tanggapang ito ay nagbibigay ng tulong tulad ng pagbuo ng lifestyle habits at self-managing sa araw na pamumuhay para ang taong may kapansanan ay makahanap ng hanap-buhay.
Sa mga nakatira sa bandang norte ng Nagara river
- Pangalan ng tanggapan
Seiryu Disability Employment and Everyday Life Support Center Funabuse - Lokasyon
2-33 Gakuen-cho, Lungsod ng Gifu
Sa loob ng Disabled Persons' Comprehensive Employment Support Center ng Prepektura ng Gifu - Telepono 058-215-8248
- Araw at oras na bukas
Lunes - Biyernes (Sarado sa mga araw na piyesta opisyal, huli at unang mga araw ng taon o bagong taon)
8:30am - 5:00pm
Sa mga nakatira sa bandang timog ng Nagaragawa
- Pangalan ng tanggapan
Gifu Disabled Persons' Employment and Independence Support Center - Lokasyon
2-20 Kagiya Nishi-machi, Lungsod ng Gifu Tae Bldg. #2, 1F - Telepono 058-253-1388
- Araw at oras na bukas
Lunes - Biyernes (Sarado sa mga araw na piyesta opisyal, huli at unang mga araw ng taon o bagong taon)
8:45am - 5:15pm
Konsultasyon para sa pang-araw-araw na pamumuhay at independence support para sa mga may kapansanan
Tinutulungan ng tanggapang ito ang mga taong may kapansanan at pamilya nito na makapag-aplay ng iba't ibang sistema at serbisyo para makapamuhay sila ng maayos sa komunidad at ang staff na may kapansanan ang tutulong.
Maaari ring bumisita sa inyong tahanan ang staff ng tanggapan depende sa inyong pangangailangan.
- Pangalan ng tanggapan
Disabled Persons' Support Center - Lokasyon
2-2 Miyako-dori, Lungsod ng Gifu Gifu Civic Welfare Activity Center, 1F - Telepono 058-254-9204
- FAX 058-254-9205
- Email gifusien@vega.ocn.ne.jp
- Araw at oras na bukas
Lunes - Biyernes (Sarado sa mga araw na piyesta opisyal, huli at unang mga araw ng taon o bagong taon)
8:45am - 5:30pm
Independence support services para sa pang-araw-araw na pamumuhay
〈Hotline 058-252-6661〉
Ang tanggapang ito ay tumutulong sa mga taong may dementia, kapansanan sa intelektwal o mental, atbp., na walang kakayanang gumawa ng sariling desisyon at nangangailangan ng tulong sa pagproseso para makatanggap ng mga welfare service at pangangasiwa sa pinansiyal na aspeto.
- Pangalan ng tanggapan
Social Welfare Council ng Prepektura ng Gifu - Lokasyon
2-2 Miyako-dori, Lungsod ng Gifu Gifu Civic Welfare Activity Center, 2F - Telepono 058-255-5511
- Araw at oras na bukas
Lunes - Biyernes (Sarado sa mga araw na piyesta opisyal, huli at unang mga araw ng taon o bagong taon)
8:45am - 5:30pm - Bayad
May bayad Sa bawat gamit sa serbisyo
Walang bayad Konsultasyon