Iba' ibang uri ng buwis
Kung ikaw ay naninirahan sa bansang Hapon, depende sa laki ng iyong kita, may pagkakataong kailangan mong magbayad ng buwis sa kita at lungsod sa paninirahan.
Kailangang magbayad ng automobile tax kapag bibili ng sasakayan, buwis para sa magaang sasakyan, buwis sa ari-arian kapag bumili ng lupa at bahay.
Income tax (national tax)
Ang buwis na ito ay ipinapataw taon taon batay sa kinita mula Enero 1 hanggang Disyembre 31 ng buong taon.
Residence tax (municipal/prefectural tax)
Karaniwang ibinibatay ito sa kita ng nakaraang taon at babayaran ito sa munisipalidad kung saan ka nakatira mula Enero 1.
Forest Environment Tax (national tax)
Ito ay national tax na binuo para magkaroon ng sapat na lokal na pinansiyal na panustos sa pagpapabuti sa kagubatan, atbp. Mula ang FY 2024 kung nakarehistro ang tahanan mo sa bansang Hapon ikaw ay papatawan ng karagdagang 1000 yen maliban sa binabayarang residence tax (Napagkasunduang porsyento ng halaga ng buwis sa lungsod/prepektura)
Ownership transfer tax (national tax)
Ang paglilipat ng pag-aari ay papatawan ng buwis sa Legal Affairs Bureau kung sakaling ikaw ay nagbenta o nagmana, atbp. ng real estate.
Real estate acquisition tax (prefectural tax)
Ipinapataw ang buwis na ito kapag ikaw ay nagkaroon ng real estate property.
Property tax (municipal tax)
Ipinapataw ang buwis na ito taon taon ng Enero 1 sa lupa, gusali at mga depreciable assets.
Magbabayad sa lungsod kung saan nakatayo ang ari-arian.
Automobile weight tax (national tax)
Ipinapataw ang buwis na ito batay sa bigat ng sasakyan sa panahon ng unang rehistro o shaken (inspeksiyon ng sasakyan)
Ordinary motor vehicle tax (environmental performance-based portion and type-based portion)
Ang buwis na ito ay kinokolekta kapag kumuha ng oridnary motor vehicle gayundin kapag ikaw ay nagmamay-ari nito mula Abril 1 taon-taon, sang-ayon sa nakasulat sa shakensho o vehicle inspection certificate. Ang halaga ng buwis ay batay sa gamit at kabuuang.
Light motor vehicle tax (environmental performance-based portion and type-based portion) (municipal tax)
Ang buwis na ito ay kinokolekta kapag kumuha ng light motor vehicle gayundin kapag ikaw ay nagmamay-ari nito mula Abril 1 taon-taon, sang-ayon sa nakasulat sa shakensho o vehicle inspection certificate.
Ang halaga ng buwis na babayaran ay batay sa uri ng sasakyan at gamit.
Consumption tax
Ipinapataw ang buwis na ito sa halos lahat ng mga tinitindang kalakal, pagbibigay ng serbisyo, atbp., maliban na lamang sa mga kalakal tulad pangangalagang medikal, kagalingan at edukasyon.
Iba pa
Inheritance tax, buwis sa regalo, business tax, business office tax, city planning tax, buwis sa alak, buwis sa sigarilyo, buwis sa gasolina, atbp.