Abiso sa Pagbabago ng mga Residente
Kung ikaw ay maninirahan sa bansang hapon, kung ikaw ay maglilipat sa ibang lugar kinakailangang ipagbigay-alam ito sa lungsod.
Sa mga katanungan
Citizen's Affairs Division (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 1F/Telepono 058-214-2854)
Pagbigay-alam sa paglipat sa lungsod
Ginagawa ang pagbibigay-alam na ito kung ikaw ay galing sa ibang lungsod na maninirahan na sa lungsod ng Gifu.
Kelan iproseso
sa loob ng 14 araw mula sa araw na nagsimulang manirahan sa lungsod
Lugar
sa bulwagan o sa mga maliit na sangay ng bulwagan ng lungsod
Taong magpapaalam
taong maglilipat o ang pinuno ng pamilya (maaari din ang representante)
Dadalhin
Kapag maglilipat sa loob ng bansa
- Papel ng katunayan ng paglisan sa dating lugar na tinirahan
(Makukuha ang papel na ito sa bulwagan ng lungsod na dating tinirhan. Hindi na kailangan ang dokumentong ito kapag gagamitin ang My Number card sa pag-aplay ng paglilipat ng tirahan.)
※Kapag nakapagpasyang maglilipat, magtungo sa bulwagan ng dating lungsod na tinirhan bago - Residence card ng lahat ng taong maglilipat o special permanent resident certificate
- Blue book o national pension booklet
(Kapag miyembro sa dating tinitirhang lungsod) - My number card (kung mayroon lamang)
- Kapag ang representante ang magbibigay-alam
Kailangan ang authorization letter at ID ng tagahalili
Kapag galing sa ibang bansa
- Pasaporte ng lahat ng taong maglilipat
(Dokumentong makikita ang petra ng pagpasok sa bansa) - Residence card ng lahat ng taong maglilipat o special permanent resident certificate
(Kapag hindi nabigyan agad ng residence card pagkalapag sa bansang Hapon ikaw ay kailangang magpakita ng iyong pasaporte na may tatak at nakasaad na ikaw ay bibigyan ng residence card sa mga susunod na araw.) - Kapag papasok sa ibang sambahayan siguraduhing magsumite ng dokumentong patunay ng relasyon sa puno ng pamilya na nakasalin sa nihongo.
- Kapag ang representante ang magbibigay-alam
Kailangan ang authorization letter at ID ng tagahalili
Abiso sa paglipat
Ipaalam ang paglilipat o pagbabago sa tirahan kahit ito man ay sa loob pa rin ng lungsod ng Gifu.
Kelan iproseso
sa loob ng 14 araw mula sa araw na nagsimulang manirahan sa lungsod
Lugar
sa bulwagan o sa mga maliit na sangay ng bulwagan ng lungsod
Taong magpoproseso
taong maglilipat o ang pinuno ng pamilya (maaari din ang representante)
Dalhin
- Residence card ng lahat ng taong maglilipat o special permanent resident certificate
- Health insurance card (Miyembro lamang)
- Blue book ng national pension (Miyembro lamang)
- Medical care recepient certificate (ibinigay ayon sa Insurance act)
(Sa mga meron lamang) - Kapag ang tagahalili ang mgapoproseso
Kailangan ang authorization letter at ID ng tagahalili - My number card (kung mayroon lamang)
Pag-abiso ng paglipat
Kapag aalis sa lungsod ng Gifu at maglilipat ng tirahan sa ibang lungsod kinakailangang ipaalam ito sa lungsod.
Sa pagpapaalam ng paglilipat ng tirahan sa labas ng lungsod ng Gifu, ikaw ay bibigyan ng moving-out certificate. Kakailanganin ang papel na ito para sa pagpapaalam ng paglilipat ng tirahan sa bagong lungosd na lilipatan.
(Hindi magbibigay ng papel patunay ng paglilipat ng tirahan sang-ayon sa patakaran sa pagpapaalam ng paglilipat gamit ang My Number card.)
Kelan iproseso
Kapag nakaayos na ang paglilipat
※Iproseso ito kapag malapit na ang araw ng mismong araw ng paglilipat para hindi magkaroon ng problema tulad ng hindi matanggap ang residence certificate dahil iba na ang tirahan, atbp. paglilipat, magkakaroon ng problema sa pagbibigay ng juminhyo o residence certificate kung kaya mas maiging ipaalam sa araw na malapit ka nang maglipat.
Lugar
sa bulwagan ng lungsod o sa mga maliliit na opisina ng lungsod
Taong magpoproseso
taong maglilipat o ang pinuno ng pamilya (maaari din ang representante)
Dadalhin
Kapag aalis sa loob ng bansang Hapon
- ID ng magpoproseso
(residence card, driver's license) - National health insurance card (mga miyembro lamang)
- Medical care recepient certificate (ibinigay ayon sa Insurance act)
(Sa mga meron lamang) - Kapag ang tagahalili ang mgapoproseso
Kailangan ang authorization letter at ID ng tagahalili
Kapag lilipat sa ibang bansa
Opisyal na ID (residence card, driver's license, atbp.)