Koseki o Family Register (kasal, kapanganakan, kamatayan, atbp.)
Ang anumang pagbabago sa mga nakasaad na impormasyon sa koseki o family registrar ay kinakailangang ipaalam sa city hall o bulwagang panlungsod. Sa mga pagkakataon tulad ng panganganak, pagkamatay, pagpapakasal ay kinakailangang ipaalam sa city hall o bulwagang panlungsod.
Sa mga katanungan
Shimin-ka o Citizen's Affairs Division (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 1F/Telepono 058-214-2857)
※Kung ang lugar ng pagpapasahan ay lungsod ng Gifu,
※Kapag nagkataon na ang huling araw na dapat ipaalam ay sabado, linggo o pisyesta opisyal, ang huling araw para sa pagpaalam ay ang susunod na araw.
Pagpaparehistro ng kapanganakan
Kailangang ipaalam ang panganganak kapag ikaw ay nanganak sa bansang Hapon.
Kelan iproseso
sa loob ng 14 na araw kasama ang araw na nanganak
Lugar
- Sa lugar kung saan kasalukuyang nakarehistro ang tirahan ng magpoproseso (tirahan na nakarehistro sa resident registration system)
- Lugar ng kapanganakan ng bata
Magpoproseso
ang tatay o nanay
(Sang-ayon sa pagkakasunod-sunod maaaring ang kasama sa bahay, doktor, midwife o ang saksi sa panganganak)
Dadalhin
- Boshikenkotecho o Makaina at Sanggol na Manwal ng Kalusugan
- Katibayan ng kapanganakan o birth certificate
(Nakalakip ito sa papel para sa pagpaalam ng kapanganakan, gamitin ito at pasulatan sa doktor)
Iba pa
Ang batang dayuhan na ipinanganak sa bansa ay kailangang mag-aplay sa tanggapan ng imigrasyon ng pahintulot para sa pananatili sa bansa sa loob ng 60 araw.
Pagpapaalam ng kamatayan
Kailangang ipaalam ang kamatayan kapag namatay sa bansang Hapon.
Kelan iproseso
Sa loob ng 7 araw matapos ang araw na nalaman ang kamatayan
Lugar
Sa tinirhang lungsod ng namatay o ng taong magbibigay-alam sa kamatayan (nakarehistrong lugar ng tirahan, pansamantalang tirahan o lokasyon)
Magpoproseso
Kamag-anak na kasamang sa tirahan o kamag-anak na hiwalay na naninirahan, o kaya ay kasama sa tirahan
Dadalhin
Katibayang papel ng pagkamatay
(Nakadikit ang papel na ito sa papel para sa pagpapaalam ng kamatayan, gamitin ito at pasulatan sa doktor.)
Pagpapakasal, at Paghihiwalay (Diborsyo)
Ang paraan ng proseso at mga dadalhing dokumento ay nag-iiba batay sa nasyonalidad ng magpapaalam. Magtanong sa Shimin-ka o Citizens' Affairs Division.