Mga gagawin kapag maglilipat
Kapag ikaw ay maglilipat ng tirahan, kailangan mong ipaalam sa iba't ibang lugar ang iyong bagong tirahan bago o pagkatapos mong maglipat.
- Kapag maglilipat sa lungsod ng Gifu
- Kapag maglilipat mula sa isang tirahan sa isa pa sa loob lang ng lungsod ng Gifu
- Kapag aalis sa lungsod ng Gifu
- Kapag lalabas sa bansang Hapon
Para maiwasang mapadala ang mga mahahalagang dokumento, atbp., sa maling lugar, kailangan mong ipaalam sa phone company, bangko, utility company, etc bago ka maglilipat.
Mga gagawing proseso sa Bulwagang Panlungsod ng Gifu
Kailangang ipabago ang rehistro ng iyong tirahan sa bulwagang panlungsog ng Gifu o alinmang sangay ng opisina, atbp.
Sa mga katanungan
Shimin-ka o Citizen's Affairs Division (Bulwagang Panlungsod, 1F)
Telepono 058-214-2854
Pagpaalam sa tubig at sewage services
Ang Water and Sewage Fee Center ang magku-kuwenta sa bayaring hindi pa nababayaran, kung kaya tawagan mo sila ng maaga kung maaari.
Sa mga katanungan
Gifu-shi joge-suido-ryokin-senta- o Water and Sewage Fee Center ng Lungsod ng Gifu
Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 2F
Telepono 058-266-8835
Elektrisidad
Ipabago ang rehistro ng tirahan isang linggo bago kayo maglipat.
Sa mga katanungan
Sa kompanya ng elektrisidad na inyong kinabibilangan
Gas
Ipabago ang rehistro ng tirahan isang linggo bago kayo maglipat.
Sa mga katanungan
- City gas TOHO GAS Co.,Ltd. Gifu Office
Telepono 058-272-2166 - LP gas Gifu Prefecture LP Gas Customer Support Center
Telepono 058-274-3443
Telepono
Ipabago ang rehistro ng tirahan isang linggo bago kayo maglipat.
Sa mga katanungan
Magpakabit ng telepono sa pagdial sa 116
Kapag tatawag gamit ang cellphone・PHS
Telepono 0800-2000-116
※NTT west area lamang
Cellphone
Magpabago ng address sa cellphone company mo.
Sa mga katanungan
Sa malapit na cellphone company sa iyo.
※Kapag tatawag mula sa cellphone
- Docomo
Kapag tatawag mula sa Docomo i-dial ang 151 (Libre) - au
Gamitin ang "My au" kapag magpapabago ng address sa smartphone o PC
Kapag tatawag galing sa cellphone na au i-dial ang 157 (Libre) - Softbank
Gawin mula sa "My softbank" ng iyong cellphone iba pa
Internet
Magpabago ng address sa iyong internet provider.
Kapag may-ari ng sasakyan
Sa mga katanungan
- Ordinary vehicle
Gifu Prefecture Automobile Tax Office
Lokasyon 2648-3 Hikie, Lungsod ng Gifu
Telepono 058-279-3781 (main)
FAX 058-279-5677 - Light vehicles
- Moped license (Motorbike na 125cc pababa), Small-sized special vehicle, Agricultural vehicles (tulad ng tractor,atbp.), Iba pa (tulad ng forklift, atbp.)
Lugar na tatawagan Taxation Divison, Bulwagang Panlungsod ng Gifu (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 3F)
Telepono 058-265-3908 - Two-wheel light motor vehicle (Motorbike na hindi sosobra ng 125 cc at hindi baba o magkasing laki lang ng 250cc), Two-wheel small motor vehicle (Motorbike na hindi aabot ng 250cc)
Lugar na tatawagan Chubu District Transport Bureau Gifu Branch (2648-1 Hikie, Lungsod ng Gifu)
Telepono 050-5540-2053 - Light motor vehicle (three, four wheels)
Lugar na tatawagan Light Motor Vehicle Inspection Organization Gifu Office (3-83 Chiyoda, Fukuju-cho, Lungsod ng Hashima)
Telepono 050-3816-1775
- Moped license (Motorbike na 125cc pababa), Small-sized special vehicle, Agricultural vehicles (tulad ng tractor,atbp.), Iba pa (tulad ng forklift, atbp.)
Driver's license
Kung ikaw ay may driver's license, kailangan ding baguhin ang nakasulat na tirahan pagkatapos ng paglilipat.
- Saan iproseso
- Transportation Division sa mga istasyon ng pulis
- Sa mga training center para sa pagmamaneho
- Dalhin
- Driver's License
- Residence certificate, atbp.
- Telepono 058-295-1010
Bank account, atbp.
Ipaalam ang bagong tirahan sa bangko kung saan nagpaggawa ng bank account.
Paglilipat ng address na papadalhan ng mga koreo
Magpabago ng address sa malapit na tanggapan ng koreo.
Dalhin
Katunayan ng pagkakakilanlan tulad ng driver's license, mga health insurance, atbp.
Kailangan ang dokumentong nakasulat ang bago at lumang tirahan.
※Ang mga padalang ipapadala sa dating tirahan mo ay pansamantalang ipapadala sa bagong lugar na iyong tinitirhan hanggang isang taon mula sa araw na nagsumite ka notipikasyon.
Paglilipat ng paaralan
Ipaalam sa lilipatang paaralan na gusto mong ipasok ang bata at ipaalam sa kanila ang lugar ng inyong tahanan.
NHK
Kailangang ipaalam sa NHK ang pagbabago ng tirahan kung kayo ay gumagamit ng TV, atbp.
Telepono
0120-151515 (Libre)