Para Mapanatili ang Kaaya-ayang Pamumuhay
Mga alituntunin sa pamumuhay
Kapag mangungupahan ng apartment o condo
- Kailangan mong pumirma ng kontrata at ang taong nakasulat sa kontrata lamang ang maaaring manirahan.
- Huwag paupahan o ipahiram sa ibang tao
- Huwag tumakbo sa loob ng inuupahang apartment.
- Huwag magsisigaw sa loob ng kwarto, pasilyo, atbp
- Huwag makinig ng musika at manood ng TV na masyadong malakas ang tunog.
- Huwag magpatugtog ng gitara.
- Huwag mag-party, kumanta, at magsasayaw.
- Huwag maglalaba, gamitin ang vacuum cleaner, o maligo sa madaling araw o kapag malalim na ang gabi.
Paalala sa paglabas
- Siguraduhing nakasara at nasusian ang mga bintana at pintuan.
- Huwag pumasok sa mga taniman, palayan o mga lugar na ipinagbabawal pasukin.
- Dalhin lagi ang residence card.
- Huwag magdala ng kutsilyo o anumang bagay na delikado para na rin sa kaligtasan mo.