Bangko, Post Office

ツイッターでツイート
フェイスブックでシェア
ラインでシェア

Page Number 2000299  Updated on April 1, 2024

Print Print in large font

Bangko, at iba pang uri ng pampinansiyal na institusyon

Sa lungsod ng Gifu, may mga bangko, shinkin banks, credit unions, agricultural cooperatives, at labor banks kung saan maaari kang magbukas ng deposit account mo.

Oras na nagbubukas ang bangko

Teller

Lunes - Biyernes 9:00am - 3:00pm
May iba na bukas pa rin hanggang alas 3:00pm ng hapon.

Paggamit ng ATM

Ang operation hours ng ATM ay magkakaiba depende sa bangko.
Depende sa oras, maaaring magbayad ka ng charge.

Pagbukas ng bank account

Dadalhin

  • Patunay ng sariling pagkakakilanlan
    (residence card, pasaporte, driver's license, atbp.)
  • Inkan o stamp

Uri ng deposito

  • Ordinary bank deposit Maaaring maglagay at maglabas ng pera ayon sa gusto mo.
  • Fixed term deposit kailangan ideposito ito hanggang sa takdang panahon
  • Savings deposit magdeposito ng takdang halaga buwan-buwan.

Passbook

General account
Sa bawat deposit na gagawin ay makikita sa iisang bankbook
(Maaari kang kumuha ng passbook para sa bawat isang account mo.)

Cash card

Ang card na ito ay ibinibigay ng bangko para sa mga nagnanais na magbukas ng bank account.
Ipaalam ang iyong PIN (apat na numero) sa bangko na kinakailangan sa paglabas o withdraw ng pera sa bank account mo.

Paglabas ng pera

Mag-labas o withdraw ng pera gamit ang CD (cash dispenser), ATM, atbp.
Kailangan mo ang PIN mo dito.
Maglabas o withdraw ng pera gamit ang passbook at inkan (stamp) sa bangko o iba pang pampinansiyal na istitusyon, isulat ang mga kinakailangang impormasyon, tatakan ang dokumento at isumite sa teller.

Paglagay ng pera

Maglagay o deposit ng pera gamit ang CD (cash dispenser), ATM, atbp.
Maglagay o deposit ng pera gamit ang passbook, isulat ang mga hinihinging impormasyon, at isumite ang dokumentong sinulatan.
(Hindi kailangan ang iyong inkan (stamp) sa pagdeposito)

Ang automatic teller machines (ATM)

Ang automatic teller machines (ATM) ay makikita sa mga sangay ng bangko, department stores, supermarkets, istasyon ng train, atbp., kung saan maraming tao.

Maaaring gawin sa ATM

Paglabas at pagpasok ng pera, pag-update sa passbook, suriin ang natitirang lamang pera, at pagpapadala

Paano gamitin ang ATM

Nasa nihongo ang mga naka-display sa monitor.
Ituturo sa iyo kung paano gamitin ang ATM sa pagkuha mo ng cash card, at kung hindi ka sigurado sa gagawin mo maaaari kang magtanong sa bangko.

Pagdeposito ng pera para sa pagbabayad ng mga bayarin

Maaari mong automatikong bayaran ang iyong elektrisidad, gas, tubig, telepono at iba pang babayaran mula sa iyong savings account.
Mas madali ang paraan ng pagbabayad na ito kaysa magbayad ng direkta sa taong nangongolekta.

Lugar kung saan gagawin ang proseso

Sa pampinansiyal na institusyon kung saan mo ginawa ang iyong bank account.

Dalhin

  • Payment bill o resibo
  • Passbook
  • Inkan (stamp) na ginamit sa paggawa ng bank account

Padala ng pera

Maaaring ipadala ang pera sa bangko o post office.
Tawagan ang financial institution na namamahala sa padala ng pera para malaman ang paraan ng pagpapadala, babayaran, atbp.

Pagpapadala ng pera sa loob ng bansa

Maaari kang makapagpadala ng pera sa bangko o pampinasiyal na institusyon ng taong gustong padalhan sa loob ng bansa.
Maaari ka ring makapagpadala ng pera maliban sa bangko o pampinansiyal na institusyong kinabibilangan, subalit mas mahal ang bayad sa serbisyo.

  • Paraan ng pagpapadala
    • Teller
      Mas mahal ang bayad sa serbisyo sa pagpapadala sa teller kaysa ATM.
    • ATM
      Cash card o cash
      Maaaring makamura sa babayaran sa pagpapadala kung cash card ang gagamitin kaysa cash.
  • Halaga ng babayaran sa serbisyo
    Depende kung saang pampinansiyal na institusyon at kung gaano kalaki ang ipapadala.

Pagpapadala sa ibang bansa

Maaari kang makapagpadala ng pera sa labas ng bansa sa bangko na humahawak ng foreign currency, o post office.

  • Paraan ng pagpapadala
    • Teller
      Mas mahal ang bayad sa serbisyo sa pagpapadala kung sa teller kaysa online.
    • Internet o online
      Maaari kang makapagpadala online gamit ang iyong computer o smartphone.
  • Halaga ng babayaran sa serbisyo
    Depende kung saang pampinansiyal na institusyon at kung gaano kalaki ang ipapadala.

Post office

May iba't ibang uri ng post office ang makikita sa lungsod ng Gifu, kasama na rito ang main post office kung saan nangongolekta ng mga sulat sa mga mailbox, at ibang mga maliliit na hindi nangongolekta. Kahit anumang uri ito ng post office, maaari kang makapagpadala ng sulat sa loob at labas ng bansa kahit saan man.

Nangongolekta at naghahatid ng mga koreo
Tanggapan ng koreo Lokasyon Telepono
Tanggapan ng Koreo Central Gifu (Gifu-chuo) 1-3-21 Kiyozumi-cho, Lungsod ng Gifu 058-262-4000
Tanggapan ng Koreo Hilagang Gifu (Gifu-kita) 2563-75 Sagiyama, Lungsod ng Gifu 058-233-2313
Tanggapan ng koreo Kanlurang Gifu (Gifu-nishi) 4-99 Kurono-minami, Lungsod ng Gifu 058-239-0420
Tanggapan ng koreo silangang Gifu (Gifu-higashi) 5-31 Akutami, Lungsod ng Gifu 058-243-1442
Tanggapan ng koreo ng Izumi 1-246-4 Ishihara, Lungsod ng Gifu 058-229-1049

Mga oras na bukas ang post office

Gifu Chuo Post Office Punong-tanggapan

Oras na bukas

  • Lunes-Biyernes 9:00am - 7:00pm
  • Sabado 9:00am - 5:00pm
  • Linggo, araw na piyesta opisyal 9:00am - 12:30pm

Gifu Chuo Post Office Tanggapan ng mga padala matapos ang regular na oras

Yuyu-madoguchi

  • Lunes-Biyernes 7:00am - 9:00pm
  • Sabado 7:00am - 6:00pm
  • Linggo, araw na piyesta opisyal 7:00am - 6:00pm

Iba pang mga post office na nangongolekta ng sulat galing sa mga mailbox, atbp.

  • Lunes-Biyernes 9:00am - 7:00pm
  • Sabado Sarado
  • Linggo, araw na piyesta opisyal Sarado

Mga post office na hindi nangongolekta ng sulat galing sa mga mailbox, atbp.

  • Lunes-Biyernes 9:00am - 5:00pm
  • Sabado Sarado
  • Linggo, araw na piyesta opisyal Sarado

※Magkakaiba ang oras ng pagbubukas ng mga tanggapan ng padala matapos ang regular na oras ("yuyu madoguchi") depende sa post office.

Mailbox

Kulay pula at bughaw (para sa express mail lang) ang mailbox.
Mas maraming mailbox na kulay pula.
Karamihan sa mga mailbox na ito ay may dalawang hulugan para sa ipapadala.

Kapag dalawa ang hulugan

  • Mga padala na ihuhulog sa kanan
    Express mail, padala sa ibang bansa, electronic hybrid mail, iba't ibang laki ng padala
  • Mga padala na ihuhulog sa kaliwa
    Standard mail, postcards

Postal code

Ang bawat rehiyon sa bansa ay may nakatalagang postal code.
Kapag nakasulat ang postal code sa ipapadala, maaaring hindi mo na kailangang isulat ang pangalan ng prepekturang papadalhan.
May nakalaang espasyo sa pagsulat ng postal code sa mga official postcard o regular envelope.

Uri ng mga padala at bayad sa serbisyo

Pagpapadala sa loob ng bansa

Ang halaga ng babayaran sa padala ay depende sa laki at bigat ng ipapadala.
Hindi kailangang magdikit ng stamp sa mga official postcards.
Subalit, kailangang magdikit ng stamp kapag ipapadala ang official postcards naka-envelope.

Optional services

Ang serbisyong ito ay may dagdag bayad.

  • Express mail
    Mas mabilis na makakarating ang padala.
  • Registered mail
    Sa paraang ito, nakatala kung paano ipapadala at makakatanggap ng kompensasyon para sa kung anumang sira o pagkawala ng padala.
  • Registered mail na may lamang cash o genkin-kakitome
    Maaaring magpadala ng pera hanggang 500,000 yen.
    Kailangan ang cash envelope (Genkin futo) sa pagpapadala. Mabibili ito sa post office. Siguraduhing nasulatan ang lahat ng hinihinging impormasyon, at ibigay ito sa staff nf post office para maipadala. atbp.
  • Yu-pack (parcel)
    • Laki Ang laki, haba, at lapad ng kahon ay 170 cm pababa.
    • Bigat 25kg pababa
      ※Para sa mga ipapadalang may bigat na 25-30 kg, ipadala sa weighted yu-pack (juryo yu-pack).

Pagpapadala sa labas ng bansa

Ang bayad sa pagpapadala ay nagbabago depende kung saang rehiyon, paano, laki at bigat ng ipapadala. Para sa mga detalye, magtanong sa post office.

  • Airmail
    Mabilis (Darating sa papadalhan ng 3-6 na araw)
  • SAL (surface ari lifted) mail
    Medyo mabilis (darating sa papadalhan ng 6-13 araw)
  • Surface mail o barko
    Mura (darating sa papadalahan ng 30-90 araw)
  • Express Mail Service (EMS)

International parcel post

Maaaring ipadala ng international parcel (maaaring may mga restriksiyon depende sa bansang papadalhan) timbang hanggang 30kg.
Kapag magpapadala sa international parcel, siguraduhing nasulatan ang shipping label at idikit.
Magtanong sa post office kung magkano ang babayaran.

Mga hindi maaaring ipadala sa ibang bansa

  • Pulbura
    Paputok, rebentador, bala, atbp.
  • Mga likidong umaapoy
    Lighter, pinturang may halong mantika, atbp.
  • High-pressure gas
    Agualungs, spray sa pagtanggal ng alikabok, concentrated oxygen na nadadala, helium gas, gas canister, gas para sa casette stove, gas refill para sa lighter, atbp.
  • Nasusunog na materyal
    Posporo, lighter, atbp.
  • Oxidizing substance
    Bleach, peroxide, compact oxygen generator na pampersonal, atbp.
  • Nakakalasong sangkap
    Chloroform, pamatay peste, atbp.
  • Corrosive materials
    Mercury, battery, atbp.
  • Radioactive materials
    Plutonium, radium, uranium, cesium
  • Mga uri ng ipinagbabawal na gamot
  • Buhay na hayop
  • Malalaswang mga gamit
  • Mga pinirata at kinopya ng walang pahintulot na lumalabag sa karapatang paglathala.
  • Mga produktong nanggagaling sa mga hayop at halamang ipinagbabawal na ikalakal ayon sa Washington Convention tulad ng pangil ng elepante.
  • Mga produktong ginagamit ang lithium battery
    Ginagamit sa mga video camera, atbp. ang lithium battery.
    Maaaring ipadala sa mga bansang tumatanggap ng lithium battery kung natupad o nasunod ang mga hinihinging batayan.
  • Mga naproseso o hindi naprosesong platinum, ginto, o pilak, alahas, mga mamamahaling bato at iba pang mga mamamahaling gamit
  • Barya, salaping papel, banknotes, securities o travelers check
  • Iba pa
    • Depende sa bansang papadalhan, may mga regulasyon ang bawat bansa kung anong mga gamit ang puwede ipadala.
    • May mga ilang bansa na hindi maaaring makapagpadal dahil sa paraan ng pagbalot, kung kaya maiging alamin ito bago magpadala.
    • Maaaring ipadala ang mga gamit na hindi pwedeng ipadala (tulad ng alak, atbp.) kung magsumite ng special applicaton.