Pangungupahan
Pabahay ng lungsod
Ang pabahay ng lungsod ay paupahang bahay para sa mga taong may mababang kita na pinapatakbo at pinamamahalaan ng lungsod ng Gifu.
Ang bayad sa upa ay depende sa kita ng nangungupahan at laki ng inuupahan.
Sa kasalukuyan, ang pabahay na ito ay para sa mga taong nangangailangan ng pabahay. May mga alituntuning dapat sundin at ang bayd sa upa ay depende sa kita.
Ang pabahay ay may kuwarto na magagamit ang wheelchair, kuwarto para sa mga matatanda, ina o ama na nag-iisang nagtataguyod sa pamilya, at kuwarto para sa pamilya na may mga anak.
Sa mga katanungan
Gifu-ken-jutaku-kyokyu-kosha Gifu-jimusho o Gifu Prefecture Housing Supply Corporation Gifu Office
(Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 2F/ Telepono 058-265-3901)
Ilan ang puwedeng aplayan
Isang unit lang para sa isang pamilya.
Araw na puwedeng mag-aplay
Araw na may opisina (Lunes hanggang Biyernes, maliban na lamang ang araw na piyesta opisyal)
8:45am - 5:30pm
Paano nalaman kung naaprobahan
Pumili sa porma ng aplikasyon kung palabunutan o hindi palabunutan, at magsasagawa ng pagsusuri kung kuwalipikado.
Mga dadalhin, atbp.
Tawagan ang Gifu-ken-jutaku-kyokyu-kosha Gifu-jimusho o Gifu Prefecture Housing Supply Corporation Gifu Office
Kapag gustong mangupahan sa pabahay ng prepektura
Tawagan ang nakasulat na numero sa ibaba para sa detalye sa pangungupahan sa pabahay ng prepektura.
Sa mga katanungan
Gifu-ken-jutaku-kyokyu-kosha Gifu-jimusho o Gifu Prefecture Housing Supply Corporation Prefectural South Office
5-14-12 Yabutaminami, Lungsod ng Gifu Gifu Prefectural Think Tank Building, 3F
Telepono 058-214-7058
Sa pangungupahan sa mga pampribadong apartment, atbp.
- Magpunta sa isang real estate company para maghanap ng mauupahang apartment o bibilhing bahay, atbp.
Ang real estate company ay tumutulong sa paghahanap ng mauupahan o mabibiling tirahan na kaya at naaayon sa pangangailangan ng naghahanap ng tirahan. - Makikita sa ibaba sa iba’t ibang wika ang mga paraan o dapat gawin kapag mangungupahan ng tirahan.
- Japanese (Nihongo) (External link)
- English (External link)
- 中文 (Chinese) (External link)
- Tagalog (External link)
- 한국어 (Korean) (External link)
- Tiếng Việt (Vietnamese) (External link)
- Português (Portuguese) (External link)
- Español (Spanish) (External link)
- ภาษาไทย (Thai) (External link)
- Bahasa Indonesia (Indonesian) (External link)
- မြန်မာဘာသာစကား (Myanmar) (External link)
- ភាសាខ្មែរ (Khmer (Cambodian)) (External link)
- Монгол (Mongolian) (External link)