Suplay ng tubig at sewage services
Pagpapabukas at pagpapahinto sa paggamit
Sa mga katanungan
Gifu-shi-joge-suidoryokin-senta o Water and Sewage Fee Center ng lungsod ng Gifu
(Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 2F/Telepono 058-266-8835)
Mga araw at oras na bukas
- Lunes, Martes, Miyerkules, Biyernes
8:45am - 5:30pm - Huwebes
8:45am - 8:00pm - Sabado, Linggo o mga araw na piyesta opisyal
9:15am - 4:00pm
※Sarado sa huli at unang araw ng taon o bagong taon (Disyembre 29 - Enero 3)
Para mabuksan at simulan ang paggamit
Tawagan ang Water and Sewage Fee Center ng lungsod ng Gifu para magamit ang tubig at sewage services.
Ipatigil ang paggamit sa tubig
Kung ikaw ay babalik na sa sariling bansa o maglilipat ng tirahan at gustong ipahinto ang paggamit sa tubig, tawagan mo ang Water and Sewage Fee Center ng lungsod ng Gifu para makuwenta ang halagang ibabalik o babayaran ninyo.
Pagbabayad at pangongolekta ng bayad
Ang tubig at drainage services ay babayaran sa bawat dalawang buwan.
Pagbabayad
- Pagbabayad gamit ang payment bill.
Bayaran sa bangko o convenience store
Gamit ang mobile payment services (PayB, Line Pay, PayPay, au PAY) puwede kang magbayad sa pamamagitan ng pagbasa sa barcode na nakaimprinta sa payment bill gamit ang camera ng iyong smartphone o iba pang mobile device. - Pagkaltas sa pera sa bangko
Magtungo sa iyong bangko para iproseso ito.
Mga dapat tandaan sa pagbabayad ng tubig at drainage services
Kailangang magbayad ng penalty fee kung sakaling hindi mabayaran hanggang sa itinakdang araw ang bayarin sa tubig at drainage services.
Ito ay para maging patas sa ibang mga taong nagbabayad sa tamang panahon.
Tuloy-tuloy na pagbabayad gamit ang credit card
Ito ay paraang gagawin kapag gustong ituloy ang pagbabayad gamit ang credit card at pagpaparehistro ng impormasyon ng credit card.
I-access at ilagay ang mga hinihinging impormasyon sa official website ng lungsod ng Gifu.
Nasa ibaba ang mga credit card na maaaring gamitin
- VISA
- MasterCard
- JCB
- American Express
- Diners Club
※Hindi maaaring gamitin ang debit card, prepaid card, credit card mula sa ibang bansa.
Para sa mga katanungan tungkol sa serbisyo sa tubig
Sa mga katanungan
Iji-kanrika o Maintenance Management Division
4-1 Kinen-cho, Lungsod ng Gifu/Telepono 058-259-7788
Kapag may tagas ang gripo
Tawagan ang pinakamalapit na kompanyang nagkukumpuni na itinalaga ng lungsod
Kapag nawalan ng tubig
- Kapag huminto ang tubig dahil sa ginagawang pagkumpuni tulad ng pagbulwak ng tubig
Ipapaalam sa inyo ng maaga sa pamamagitan ng public notice o circular order sa inyong tinitirhan, kung kaya mag-imbak na ng tubig bago pa ito ihinto. - Para sa biglaang pagkasira ng tubo ng tubig
Agarang magbibigay ng karagdagang impormasyon ang lungsod sa inyo kung sakaling nangyari na ito. - Maliban sa mga pangyayaring nabanggit sa itaas, maaaring ang water system ang may problema, tawagan na lamang ang pinakamalapit na kompanyang nagkukumpuni na itinalaga ng lungsod.
Kung ang tubig ng tubig ay tumigas dahil sa lamig
Kapag ang tubo ng tubig ay tumigas dahil sa lamig, balutin ang parte ng tubong tumigas ng tuwalya at buhusan ng maligamgam na tubig.
Kapag pumutok ang tubo ng tubig
Kapag pumutok ang tubo ng tubig, isarado ang valve at tawagan ang pinakamalapit na kompanyang nagkukumpuni na itinalaga ng lungsod.
Para mapanatiling maayos ang drainage
- Huwag iflush ang iba pang bagay maliban sa toilet paper (tissue paper, diapers, sanitary products, atbp.)
- Huwag ibuhos ang mantika ng tempura o iba pang mamantikang bagay sa drainage. Punasan para maalis ang anumang mamantika o mantika sa lalagyan ng pirasong papel, atbp., bago hugasan ang lalagyan.
- Kapag ang negosyo ninyo ay gumagamit ng mantika, atbp., araw-araw na linisan ang grease trap at ang basket / tanggalin ang dumikit na mantika isang o makailang beses sa isang linggo. Alisin at linisan ang namuo sa ilalim ng lagayan ng isang beses sa isang buwan.
Kapag hindi umaagos ng maayo ang maruming tubig
Maaaring may nakabara sa tubo, at marahil kailangan mong tawagan ang Water and Sewage Department ng lungsod ng Gifu para ipasuri.
Bago tawagan ang magkukumpuni tawagan muna ang Iji-kanri-ka o Maintainance Division.
Sa mga katanungan
Iji-kanrika o Maintenance Management Division
4-1 Kinen-cho, Lungsod ng Gifu/Telepono 058-259-7788
Kung ang sewer pipe na nakadugtong sa daan ay barado
Kapag ang iyong sewer pipe na nakadugtong sa daan ay barado, tawagan ang Water and Sewage Department ng lungsod ng Gifu para ipasuri.
Subalit, kapag ibang bagay tulad ng toilet paper, diapers, sanitary napkins, atbp. ang nakabara, ang gumagamit ang kailangang magbayad para sa pagpapaayos nito.
Kapag ang drainage pipe (palikuran, banyo, atbp.) sa inyong bahay ay barado
Kung ang drainage pipe (palikuran, banyo, atbp.) sa inyong tinitirhan ay barado, tawagan ang kompanyang nagkukumpuni na itinalaga ng lungsod ng Gifu.
(Ang magbabayad para sa anumang pagpapakumpuni ay ikaw.)