Pagpirma ng kontrata sa trabaho
Kung ikaw ay isang dayuhang nagtatrabaho sa bansang Hapon, ikaw ay saklaw ng mga batas na umiiral sa bansa.
Ang mga batas na may kinalaman sa trabaho ay Labor Standards Act, Minimum Wage Act, at Industrial Safety and Health Act.
Kapag ang employee at employer ay papasok sa isang kontrata, kailangang ipaliwanag sa manggagawa ang terms of employment at bigyan ito ng kopya ng terms of employment.
Labor Standards Act
Nakasaad sa batas na ito ang pinakaminimong batayan upang hindi mapilitang magtrabaho ng hindi tama ang isang manggagawa.
Minimum Wage Act
Nakasaad sa batas na ito ang minimong sahod na matatanggap ng isang manggagawa na ang pangunahing layunin ay magkaroon ng matatag na pamumuhay.
Industrial Safety and Health Act
Ang layunin ng batas na ito ay masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa sa kanilang pinagtatrabahuan at mapaunlad ang pagbuo ng isang komportableng kapaligiran sa pagtatrabaho.