Pahintulot sa paggawa ng mga gawaing hindi saklaw ng ibinigay na status of residence
Ang pahintulot na ito ay kinakailangan kunin kung kumita ka ng pera o sumasahod mula sa isang aktibidad na hindi pinahihintulutan ng iyong kasalukuyang status of residence.
Ibinibigay ito sa mga taong ang status of residence (working studying abroad, atbp. ) na makikita sa Appended Table 1 ng Immigration Control and Recognition Act.
Hindi saklaw dito ang mga may hawak ng status of residence na nakasulat sa Table 2 ng Immigration Control and Refugee Recognition Act tulad ng mga permanent o long-term resident, dahil ang mga ito ay walang restriksyon sa trabaho.