Insurance system para sa mga manggagawa
May dalawang uri ng insurance system na nangangalaga sa mga manggagawa sa bansang hapon, ito ay ang kompensasyon sa aksidente ng manggagawa (rodosha saigai hosho hoken) at employment insurance (koyo hoken).
Kompensasyon sa aksidente ng manggagawa (rodosha saigai hosho hoken)
Ito ay isang sistema sa seguro sa pagtanggap ng benepisyo para sa manggagawang nasugatan, nagkasakit, nagkaroon ng kapansanan, namatay, atbp. habang ito ay ginagawa ang kanyang trabaho o kapag papasok sa trabaho.
Binuo ng bansang Hapon ang sistemang ito para mapangalagaan ang pamumuhay ng manggagawa at pamilya nitong naiwan.
Ang lahat ng kompanya ay miyembro ng insurance system na ito at saklaw nito ang lahat ng mga manggagawang nagtatarabaho sa kompanyang miyembro nito.
Hindi maaaring indibiduwal (manggagawa) ang magpapamiyembro.
Namumuno
Labor Standards Inspection Bureau
Employment Insurance
Ang insurance na ito ay ibinibigay sa mga empleyadong nawalan ng trabaho at kinikita para mapanatili ang kanilang pamumuhay habang sila ay naghahanap ng bagong mapapasukang trabaho.
Maaari ring pumasok sa mga pagsasanay sa trabaho para madagdagan ang mga kinakailangang kakayanan at kaalaman sa hinahanap na trabaho.
Maghahati ang manggagawa at employer sa babayaran para sa insurance premium.
Ikinakaltas mula sa sahod ng manggagawa ang bayad.
Namumuno
Public Employment Security Office (Hello Work)