Magulang na mag-isang nagtataguyod sa pamilya o single-parent

ツイッターでツイート
フェイスブックでシェア
ラインでシェア

Page Number 2000288  Updated on April 1, 2023

Print Print in large font

Impormasyon para sa magulang na mag-isang tinataguyod ang pamilya o single parent, atbp.

Sa mga katanungan
Kodomoshien-ka o Children's Support Division (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 2F/Telepono 058-214-2396)

Pautang para sa gastusin ng magulang na mag-isang nagtataguyod sa pamilya (single-parent) at balo

Ito ay pautang na pera na kailangan sa pagpapatuloy sa pag-aaral, paghahanap ng trabaho, atbp., gayundin ang pera na kailangan sa maayos na pamumuhay ng bata na ang pamilya ay iisa lamang ang magulang (single-parent) o balo.
Maaaring hindi maggamit ang sistemang ito depende sa resulta sa gagawing pagsusuri sa aplikasyon.

Pamimigay ng library card sa mga batang naulila

Ibinibigay ito isang beses sa isang taon sa mga batang may edad na 0 taong gulang hanggang high school students na namatay ang mga magulang o tagapag-alaga dahil sa aksidente.

Support payments para sa magulang na mag-isang nagtataguyod sa pamilya (single-parent)

Benepisyong pera para sa training courses

Sakop ng benepisyo ang 60% (hanggang sa maximum limit) ng gastusin ng pag-aaralang designated educational training courses na saklaw ng unemployment insurance para sa mga magulang na mag-sang nagtataguyod sa pamilya o single-parent.
Maaaring hindi maggamit ang sistemang ito depende sa resulta sa gagawing pagsusuri sa aplikasyon.

Benepisyong pera para mapagpatuloy sa training courses

Ang benepisyong ito ay ibinibigay sa magulang na mag-isang nagtataguyod sa pamilya na kukuha ng kurikulum na magtatagal ng isang taon o mahaba pa para kumuha ng national license o certificate para maging nurse, assistant nurse, care worker, physical therapist, occupational therapist, atbp.
May matatanggap ding benepisyong pera kapag natapos ang pagsasanay.
Magtanong bago simulan ang kukuning pagsasanay o kurso sa Children's Support Division para malaman kung gaano kalaki ang benepisyong pera dahil binabase ito sa sitwasyon ng bayarin sa residence tax.

Single Parent Household, etc. Independence Support Center

Ang tanggapang ito ay tumutulong sa mga magulang na mag-isang nagtataguyod sa pamilya o single-parent sa pamamagitan ng pamimigay ng impormasyon sa paghahanap ng tabaho gayundin ang konsultasyon tungkol sa gagastusin sa pagpapalaki ng anak.

Araw at oras na bukas

Lunes - Sabado
9:00am - 5:00pm

Uri ng training o lectures

  • Training para sa mga certified care workers na may kasanayan
  • Training para sa mga baguhang certified care workers
  • Training sa paghahanda sa pagsusulit para sa national license o certification
  • Training para sa trabaho sa medical office at lecture
  • Computer lesson
  • Lecture tungkol sa Official Business skill

Lokasyon

Single Parent Household, Etc. Independence Support Center
5-14-53 Yabuta Minami, Lungsod ng Gifu
OKB Fureai Kaikan Buil. 2, 9F

Telepono

058-268-2569

Mail address

shien-gifu@sunny.ocn.ne.jp