Pagbubuntis, Panganganak, Pag-aalaga ng bata

Xでポスト
フェイスブックでシェア
ラインでシェア

Page Number 2000282  Updated on April 1, 2025

Print Print in large font

Sa mga katanungan

  • Hoken yobo-ka o Public Health and Disease Prevention Division, Public Health Center (2-19 Miyako-dori, Lungsod ng Gifu/Telepono 058-252-7193)
  • Naka Public Health Center (2-18 Tetsumei-dori, Lungsod ng Gifu Yanagase Glasstle 35, 3F/Telepono 058-214-6630)
  • Minami Public Health Center (1-75-2 Akanabe Hishino, Lungsod ng Gifu/Telepono 058-271-8010)
  • Kita Public Health Center (2-140 Nagara Higashi, Lungsod ng Gifu/Telepono 058-232-7681)

Kapag nabuntis

Kapag ikaw ay nabuntis, kailangan mong magsumite ng notipikasyon ng pagbubuntis at kumuha ng Makaina at Sanggol na Manwal ng Kalusugan o boshi-techo.

Pagpapasuri ng kalusugan ng nagbubuntis

Sa pagpapasuri ng kalusugan ng buntis, gamitin ang voucher na kasamang nakalakip sa Makaina at Sanggol na Manwal ng Kalusugan o Boshi-techo.

Tulong salapi o subsidy para sa iilang bayarin sa medikal na gastusin

Kapag magpapasuri sa maternity home o medikal na institusyon sa labas ng prepektura
Bago magpasuri, magtanong muna dahil may mga kailangang iproseso.

Pagsusuri sa kalusugan ng ngipin ng buntis

Magpunta sa mga medikal na institusyong inilaan o inatasan ng lungsod. Gamitin ang voucher para sa pagpapasuri sa kalusugan ng ngipin ng buntis na kasamang nakalakip sa Makaina at Sanggol na Manwal ng Kalusugan o boshitecho ng lungsod ng Gifu. Tawagan ang public health center kung wala kayong natanggap na voucher.

Maternity Support Consultation

Maaari mong ikonsulta rito ang iyong mga inaalala o kinakabahala sa iyong pagbubuntis para mapanatag ka sa iyong panganganak.

Pagkatapos manganak

Magsumite ng notipikasyon sa iyong panganganak o shusshorenrakuhyo

  • Isumite ang porma ng papel ng voucher para ipaalam ang panganganak o shusshorenrakuhyo na nakalakip sa Makaina at sanggol na manwal ng kalusugan (boshikenkotecho) o kaya sa pamamagitan ng pampublikong website ng lungsod kapag ipapaalam ang panganganak sa lungsod o sangay na opisina.
  • Kapag isusumite ang Notipikasyon sa Panganganak o report of birth (shusshotodoke) sa ibang lungsod, ipadala ang shusshorenrakuhyo o voucher para ipaalam ang panganganak sa Hoken yobo-ka o Public Health and Disease Prevention Division.
  • Kapag ang anak ay umabot na sa apat na buwang gulang, bibisita sa inyong tahanan ang public health nurse o midwife.
  • Maaari mong ikonsulta sa kanila ang mga paraan sa pag-aalaga ng bata.

Pagsusuri sa pandinig ng bagong panganak na sanggol

  • Ito ay ginagawa sa mga bagong panganak na sanggol para malaman ng maaga kung nakakarinig ng maayos ang bata.
  • Ang ilang bahagi ng babayaran sa pagpapasuri ay manggagaling sa gobyerno.
  • Magtanong muna bago magpatingin sa ospital na nasa labas ng prepektura dahil may mga kailangang gawin muna bago makapagpatingin sa mga paggamutang ito.

Pagpapasuri sa dugo ng bagong panganak na sanggol

Para matuklasan ng maaga ang anumang congenital metabolic disorder, atbp.

  • Ipasuri ang dugo ng bata sa medikal na institusyon o paggamutan kung saan mo ipinanganak ang bata.
  • May mga uri ng sakit na nagdudulot ng kapansanan at anumang malalang karamdaman ang nalulunasan sa maagang pagtuklas at lunas.

Maagang pagtuklas ng biliary atresia o pagsara ng tubo ng apdo

  • Isa sa pinakainam na paraan para malaman ang kalagayan ng kalusugan ng sanggol ay sa pamamagitan ng pagsuri sa kulay ng dumi nito.
  • Para maagang matuklasan ang anumang sakit, maiging alamin ang kulay ng dumi ng sanggol gamit ang "card ng kulay ng dumi" na kasamang nakalakip sa Makaina at Sanggol na Manwal ng Kalusugan o boshitecho.

Postpartum care services o pangangalaga pagkatapos ng panganganak

  • Para maging panatag ang kalooban ng mga inang nag-aalala sa kanilang pisikal na kalagayan at pag-aalaga sa bata pagkapanganak, may mga nilaan at inatasang mga medikal na institusyon o paggamutan na magbigay ng mental at pisikal na pag-aalaga at tulong sa pag-aalaga sa ina at sanggol sa buong gabi o araw. At dadalaw sa bahay.
  • Para magamit ang serbisyong ito, kailangan magpasa muna ng aplikasyon.

Maternity health check up

Para matiyak na malusog ang mental at pisikal na kalusugan ng ina pagkatapos itong manganak, ang gastusin na babayaran sa pagpapasuri ay babayaran ng gobyerno.

Pagpapasuri sa kalusugan ng ngipin ng ina

Magpunta sa mga medikal na institusyong inilaan o inatasan ng lungsod. Gamitin ang voucher para sa pagpapasuri sa kalusugan ng ngipin ng buntis na kasamang nakalakip sa Makaina at Sanggol na Manwal ng Kalusugan o boshitecho ng lungsod ng Gifu. Tawagan ang public health center kung wala kayong natanggap na voucher.

Kalusugan ng bagong panganak na sanggol

Pagsusuri sa kalusugan ng bata, atbp.

  • Pagsusuri sa kalusugan ng batang nasa apat na buwang gulang (pumunta sa medikal na institusyon o paggamutang inilaan o inatasan ng lungsod)
  • Pagsusuri sa kalusugan ng batang nasa sampung buwang gulang
  • Pagsusuri sa kalusugan ng ngipin ng batang isang taon at anim na buwang gulang at klase para sa pagsasanay sa pag-aalaga ng bata
  • Pagsusuri sa kalusugan ng batang isang taon at anim na buwang gulang (pumunta sa medikal na institusyon o paggamutang inilaan o inatasan ng lungsod)
  • Pagsusuri sa kalusugan ng batang tatlong taong gulang
  • Pagsusuri sa kalusugan ng batang limang taon gulang (pumunta sa medikal na institusyon o paggamutang inilaan o inatasan ng lungsod)

Konsultasyon para sa mga bagay na inaalala sa pag-aalaga ng bata, follow up sa pagsusuri ng kalusugan

Kapag may inaalala sa paglaki at pag-unlad ng bata, may mga public health nurses at nutritionists na maaari ninyong lapitan.
Maaari ring magsagawa ng follow up sa pagsusuri ng kalusugan ang doktor.

Bakuna

Tingnan ang "Bakuna"ng "Insurance, Pangangalaga sa Kalusugan, Welfare" para sa detalye.

Dental fluoride para sa maliliit na bata

Ang paggamit o pagpahid ng medisina para sa ngipin tulad ng fluoride sa anak ay ginagawa sa mga batang 1 taong gulang pataas bago pumasok sa paaralang elementarya.