Elemetarya at Junior High School
Ang mga magulang ng batang may edad na 6-15 taong gulang ay kailangang ipasok ang anak na lahing Hapon sa paaralan para mag-aral. Ito ay ang "compulsory education".
Ang mga dayuhang bata na gustong pumasok sa elementarya, junior high school at paaralang compulsory education ay maaaring pumasok.
Maaaring kailangang magpakuha muna ng X-ray bago makapasok sa paaralan ang bata kapag may kapamilya o kasama sa bahay na nagkaroon ng sakit na TB, nanirahan sa bansang laganap ang sakit na ito.
Kung sakaling gustong ipasok ang bata sa paaralan, tawagan ang Gakko-anzen-shienka o School Safety Support Division. Ipapaliwanag sa inyo ang inyong mga gagawin sa pagpasok sa paaralan.
Pinapadalahan ng Board of Education ang mga magulang ng mga dayuhang batang umabot na sa edad na dapat mag-aral ng "gabay sa pagpasok sa paaralan".
Para sa babayaran sa paaralan, ang pampublikong elementarya, junior high school at paaralang compulsory education ay hindi naniningil ng admission fee, tuition, textbook, atbp, subalit tungkulin ng mga magulang ang bayad para sa uniporme, mga gamit sa pagtuturo maliban sa textbooks, field trips, school excursions, atbp.
Sa mga katanungan
- Gakko-anzen-shienka o School Safety Support Division
(Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 18F/Telepono 058-214-2316) - Gakko-shidoka o School Guidance Division
(Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 18F/Telepono 058-214-7155)
Pagpapa-enroll sa elementarya, junior high school o paaralang compulsory education
Papadalhan ang mga magulang ng paalala sa pagpasok sa paaralan ng bata sa katapusan ng buwan ng Enero sa taon ng pasukan.
Kapag lilipat ng tirahan sa parehong lungsod at kapag nagbago ang school area
Kunin ang mga dokumento mula sa paaralan, at magpunta sa Citizens' Affairs Division o sangay na opisina sa pagpapapalit ng tirahan.
- Ipaalam sa kasalukuyang paaralang pinapasukan bago maglipat ng tirahan.
- Hingin mula sa kasalukuyang pinapasikang paaralan ang.
- Iproseso sa shimin-ka o Citizen’s Affairs Division (Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 1F) ang paglilipat ng tirahan.
Ang susunod na gagawin ay magpunta sa Gakko-anzen-shien-ka o School Safety Support Division at dalhin ang dokumentong kinuha mula sa paaralan, residence card at passport ng bata at magulang. - Hingin sa Gakko-anzen-shien-ka o School Safety Support Division ang mga dokumento sa pagpapa-enroll.
- Dalhin sa bagong papasukang paaralan ang dokumentong nakasaad sa (2) at (4).
Kapag maglilipat ng paaralan mula sa labas o ibang lungsod
Kumuha ng dokumento sa paaralan at isumite ang mga ito sa bagong lilipatang paaralan.
Kapag natanggap sa pribadong elementarya o junior high school
Kunin ang "letter of acceptance" mula sa paaralang at isumite sa Gakkoanzen-shienka o School Safety Support Division kasama ang notice sa pagpasok sa paaralan mula sa board of education.
Kapag nahirapang makapag-enrol dahil sa pagkakasakit o anumang dahilan
Komonsulta agad sa Gakkoanzen-shienka o School Safety Support Division agad.
Komonsulta sa Gakko-shido-ka o School Guidance Division kapag ang batang papasok sa paaralan ay may kapansanan.
Komonsulta sa Gakko-anzen-shien-ka o School Safety Support Division kapag may sakit ang bata.
Pagpasok sa paaralan at pagtuturo sa batang may problema sa paglaki
May mga konsultasyon para sa pag-aaral ng iyong anak sa special school, special class at guidance class.
(Namamahala: Gakko-shido-ka o School Guidance Division)
Kapag hindi nakapasok sa paaralang gustong pasukan dahil sa suliranin sa loob ng pamamahay, atbp.
Komonsulta sa Gakko-anzen-shien-ka o School Safety Support Division.
Sistema ng suporta sa pag-aaral
Kapag hindi sapat ang panustos para sa pag-aaral ng bata, ang lungsod ay may programa para matulungan sa pagbili ng mga gamit, bayad sa panaghalian, atbp.
Sistema para mahikayat pumasok sa klase para sa may mga special needs
Depende sa laki ng kita ng sambahayan, namimigay ng school supplies at lunch.
Sa mga katanungan
Gakko-anzen-shienka o School Safety Support Division
(Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 18F/Telepono 058-214-2316)
"Hoho-emi Sodan-in" o taong bumibisita sa tahanan ng mga batang hirap pumasok sa paaralan
May isang taong naka-assign sa bawat junior high school ng lungsod at isang rin sa mga paaralang elementarya ng school area. Nagsasagawa sila ng mga pagbisita sa bahay upang magbigay ng suporta sa mga bata na nangangailangan nito.
Sa mga katanungan
Gakko-anzen-shienka o School Safety Support Division
(Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 18F/Telepono 058-214-2316)
Childrens' club
Sa mga katanungan
Shakai/seishonen-kyoikuka o Social and Youth Education Division
(Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 18F/Telepono 058-214-2368)
After-school Children's Club
Binuo ng lungsod at pinangangasiwaan ng steering committee ng bawat school area ng paaralang elementarya.
Sa mga batang ang mga magulang ay walang sa bahay dahil sa trabaho o batang hindi maalagaan sa bahay sa araw dahil sa pagkakasakit ng magulang, atbp., may mga support staff na nagbibigay gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga bata para malinang ang maayos na pag-unlad ng bata.
Sa kasalukuyan bukas ito mula sa oras na matapos ang pinakahuling klase hanggang 6:00pm (ang iba hanggang 7:00pm) sa lahat halos ng 46 na paaralang elementarya.
※ Kapag umabot na sa takdang bilang ng dami ng mga maaaring ipasok na mag-aaral, may mga pagkakataong hindi maipasok ang anak sa umpisa ng buwan ng Abril sa taon ng pasukan.
Kailangang dokumento
- Job certificate ng magulang
- Kontribusyong pera ng magulang
Paaralang Elementarya
Ang edad ng mga batang pumapasok sa elementarya ay 6 - 12 taong gulang.
Pangalan ng Elementarya | Lokasyon | Telepono |
---|---|---|
Gifu | 1 Daiku-cho, Lungsod ng Gifu | 058-265-6388 |
Meigo | 3-1 Hongo-cho, Lungsod ng Gifu | 058-251-0603 |
Tetsumei Sakura | 1-18 Kinomoto-cho, Lungsod ng Gifu | 058-251-0629 |
Hakusan | 2-1-1 Hakusan-cho, Lungsod ng Gifu | 058-264-6241 |
Bairin | 6-6 Kinryu-cho, Lungsod ng Gifu | 058-245-0197 |
Kayo | 5-1 Kayo, Lungsod ng Gifu | 058-245-0178 |
Honjo | 6-29 Konohana-cho, Lungsod ng Gifu | 058-251-0422 |
Hino | 1-4-1 Hinokita, Lungsod ng Gifu | 058-246-4888 |
Nagara | 259 Nagara, Lungsod ng Gifu | 058-232-2119 |
Shima | 7-6-12 Kitajima, Lungsod ng Gifu | 058-231-2392 |
Misato | 2-5-1 Rokujo Kita, Lungsod ng Gifu | 058-271-3605 |
Sagiyama | 9-12 Sagiyama Kita-machi, Lungsod ng Gifu | 058-232-3623 |
Kano | 1-73-2 Kano Nishimaru-cho, Lungsod ng Gifu | 058-272-2028 |
Kano Nishi | 1-1 Kano Takayanagi-cho, Lungsod ng Gifu | 058-271-4122 |
Noritake | 209-2 Noritake, Lungsod ng Gifu | 058-231-5663 |
Nagamori Minami | 5-12-1 Kiridoshi, Lungsod ng Gifu | 058-245-2677 |
Nagamori Kita | 3-1-3 Noisshiki, Lungsod ng Gifu | 058-245-5249 |
Tokiwa | 838 Kamitsuchii, Lungsod ng Gifu | 058-231-5915 |
Kida | 2-173 Kida, Lungsod ng Gifu | 058-239-4203 |
Iwanoda | 2-33 Awano Nishi, Lungsod ng Gifu | 058-237-3606 |
Kurono | 20-1 Furuichiba, Lungsod ng Gifu | 058-239-0030 |
Katagata | 3-115 Ajiki, Lungsod ng Gifu | 058-238-8611 |
Akanabe | 4-91-3 Akanabe Shinsho, Lungsod ng Gifu | 058-271-5063 |
Uzura | 4-189-1 Naka Uzura, Lungsod ng Gifu | 058-272-2004 |
Nanasato | 94-1 Nishikaiden Aza Kawamukai, Lungsod ng Gifu | 058-239-7330 |
Saigo | 4-261 Naka Saigo, Lungsod ng Gifu | 058-239-0985 |
Ichihashi | 6-6-28 Ichihashi, Lungsod ng Gifu | 058-271-5046 |
Iwa | 1-612 Iwataki Nishi, Lungsod ng Gifu | 058-243-2175 |
Kagashima | 2-2-1 Kagashima Nishi, Lungsod ng Gifu | 058-251-9224 |
Atsumi | 198-5 Kamikawate, Lungsod ng Gifu | 058-271-0416 |
Nagara | 2-1 Chiyoda-machi, Lungsod ng Gifu | 058-232-5222 |
Souden | 2-35 Gakuen-cho, Lungsod ng Gifu | 058-231-1319 |
Shokaku | 1859-1 Hikie, Lungsod ng Gifu | 058-279-0883 |
Akutami | 2-213 Akutami, Lungsod ng Gifu | 058-243-1025 |
Godo | 1-1 Terada, Lungsod ng Gifu | 058-251-7603 |
Miwa Minami | 1034 Taromaru, Lungsod ng Gifu | 058-229-1013 |
Miwa Kita | 356 Kitano Higashi, Lungsod ng Gifu | 058-229-1103 |
Ajiro | 2-156-1 Akisawa, Lungsod ng Gifu | 058-239-9110 |
Josei | 1-8-1 Noritake Nishi, Lungsod ng Gifu | 058-232-4722 |
Aikawa | 3-3-5 Kano, Lungsod ng Gifu | 058-243-5266 |
Nagara Higashi | 3-9 Nagara Shinsei-cho, Lungsod ng Gifu | 058-233-7203 |
Nagamori Nishi | 5-5-1 Kita Isshiki, Lungsod ng Gifu | 058-247-0004 |
Akutami Higashi | 1-2 Obora Sakuradai, Lungsod ng Gifu | 058-243-2291 |
Iwanoda | 2-33-3 Awano Higashi, Lungsod ng Gifu | 058-237-2648 |
Nagamori Higashi | 2-10-1 Mizukaido, Lungsod ng Gifu | 058-245-0013 |
Yanaizu | 1-1 Maruno, Yanaizu-cho, Lungsod ng Gifu | 058-388-1155 |
May national at private elementary school din.
Junior High School
Ang edad ng mga batang pumapasok sa Junior High School ay 12 - 15 taong gulang.
Pangalan ng Paaralan | Lokasyon | Telepono |
---|---|---|
Gifu Seiryu | 1901-18 Soden, Lungsod ng Gifu | 058-231-6248 |
Gifu Chuo | 3-19 Kyo-machi, Lungsod ng Gifu | 058-265-1621 |
Honjo | 1 Hibarigaoka, Lungsod ng Gifu | 058-251-3450 |
Bairin | 3-8 Kokonoe-cho, Lungsod ng Gifu | 058-246-2197 |
Kano | 9 Kano Funada-cho, Lungsod ng Gifu | 058-271-3577 |
Nagamori | 4-11-1 Noisshiki, Lungsod ng Gifu | 058-245-5191 |
Nagara | 2070 Nagara Fukumitsu, Lungsod ng Gifu | 058-231-7207 |
Shima | 1-8-2 Noritake Nishi, Lungsod ng Gifu | 058-232-4141 |
Iwanoda | 5-817 Awano Nishi, Lungsod ng Gifu | 058-237-2533 |
Seika | 1-11-27 Kagashima Seika, Lungsod ng Gifu | 058-251-1515 |
Aikawa | 4-157 Akutami, Lungsod ng Gifu | 058-243-1019 |
Miwa | 1-12 Ishihara, Lungsod ng Gifu | 058-229-1101 |
Gihoku | 971-1-2 Gomo, Lungsod ng Gifu | 058-239-0090 |
Atsumi | 262-1 Kamikawate, Lungsod ng Gifu | 058-246-0355 |
Seizan | 2-27-1 Shimotsuchii, Lungsod ng Gifu | 058-294-1555 |
Yonan | 1-1-1 Rokujo Higashi, Lungsod ng Gifu | 058-274-0055 |
Aikawa Higashi | 6-22-3 Obora Momijigaoka, Lungsod ng Gifu | 058-241-1311 |
Gifu Nishi | 3-30 Kawabe, Lungsod ng Gifu | 058-239-1444 |
Aikawa Kita | 2-23-1 Kano, Lungsod ng Gifu | 058-241-6477 |
Nagamori Minami | 2-11-1 Kiridoshi, Lungsod ng Gifu | 058-246-7140 |
Higashi Nagara | 3-27-4 Nagara Shinsei-cho, Lungsod ng Gifu | 058-294-1782 |
Sakaigawa | 3-70 Kamisaba Higashi, Yanaizu-cho, Lungsod ng Gifu | 058-279-0009 |
Sojun | 4-1 Kinpo-cho, Lungsod ng Gifu | 058-263-3801 |
May national at private junior high school din.
Special school
Ito ay lugar kung saan ang mga batang may mental at pisikal na kapansanan tulad ng kapansanan sa kakayahang pang-entelektwal, pandinig, paningin, mahinang pangangatawan at pisikal ay tinuturuan.
Special Needs School na lungsod ang namamalakad
Gifu Special Needs School (elementary, junior high, and high school)
- Lokasyon 3-120-2 Kosaigo, Lungsod ng Gifu
- Telepono 058-239-2821
Dagdag kaalaman tungkol sa edukasyon
Pagkatapos makapagtapos sa junior high school o paaralang compulsory education, ang mag-aaral ay maaaring pumasok sa senior high school o unibersidad kapag naipasa ang entrance exam.
May mga technical at vocational colleges din.