Tulong sa mga pamilyang nag-aalaga ng bata
Ang lungsod ng Gifu ay may iba't ibang programa para mapaabot ng tama ang tulong sa mga pamilyang may inaalagaang bata.
Sa mga katanungan
Kodomoshien-ka o Childrens' Support Division
(Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 2F/ Telepono 058-214-2396)
Pinansiyal na suporta
Jido-teate o child allowance
- Taong makakatanggap ng pera
Taong nag-aalaga ng batang hanggang 15 taong gulang na naninirahan sa bansang Hapon - Paalala
Kapag malaki ang sahod na natanggap mula sa trabaho, atbp., ang halaga ng allowance na matatanggap ay maaaring mag-iba o ihihinto.
(Simula Oktubre 2024, ang sistema ng jido-teate o child allowance ay mag-iiba.)
Jido-fuyo teate o child-rearing allowance
- Taong makakatanggap
- Taong nag-aalaga sa bata dahil sa paghihiwalay o diborsyo, atbp. ng magulang
- Taong nag-aalaga ng batang ang mga magulang ay patay na
- Taong nag-aalaga sa bata dahil sa malubhang sakit o kapansanan ng nanay o tatay
- Taong nag-aalaga ng batang ang mga magulang ay hindi kasal
- Paano makakatanggap
Ang halaga ng allowance na ibibigay ay depende sa halaga ng kita at halaga ng tinatanggap mula sa public pension.
May mga pagkakatong hindi naaprobahan ang aplikasyon.
Pagbibigay ng pampublikong pundo para sa mga gastusing medical ng batang ipinanganak na premature
〈Pagpapagamot ng batang ipinanganak na premature〉
- Mga dapat makatanggap
Batang ipinanganak na may timbang na 2,000g pababa na nangangailangan ng gamutan
Sanggol na premature at mahina ang pangangatawan na kailangan ng gamutan - Kelan ang pag-aplay
Isang buwang gulang mula ng pagkapanganak ang bata at bago ma-discharge sa ospital
Ang iilang gastusing babayaran para sa pagpapagamot ng batang may kapansanan 〈serbisyo at tulong sa medikal na gastusin〉(gamutan para malunasan o mabawasan ang bayarin ng may kapansanan) ay magmumula sa pamahalaan.
- Saklaw
Batang nasa edad na 18 taong gulang pababa na may pisikal na kapansanan na malaki ang posibilidad na gumaling - Kailan mag-aplay Bago simulan ang gamutan
Pautang para sa pamilyang isa lang ang magulang (single parent) na nagtataguyod, at balo
- Taong maaaring mag-aplay
Nanay, tatay o ang balo - Gaano kalaki ang maaaring hiramin
Perang pundo na kailangan ng anak para sa pagpapatuloy ng pag-aaral at paghahanap ng trabaho gayundin para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang pamilyang mag-isang nagtataguyod ng pamilya o single parent - May batayang dapat sundin sa pag-aplay nito.
Maaaring hindi maaprobahan ang aplikasyon depende sa pagsusuring gagawin sa inyong aplikasyon.
Pamimigay ng library card sa mga batang naulila sa aksidente sa daan
- Makakatanggap
- Batang ang mga magulang o tagapag-alaga ay namatay dahil sa aksidente sa daan
- Batang 0 taong gulang - batang kasalukuyang nag-aaral sa high school
- Makakatanggap nito isang beses sa isang taon.
Serbisyong benepisyo para sa pamilyang iisa lang ang magulang o single parent
Pagkaloob ng pera para sa pag-aaral at pagsasanay ng magulang na mag-isang nagtataguyod ng pamilya o single parent
(Komonsulta sa Kodomoshien-ka o Children's Support Division bago kumuha ng anumang kursong papasukan.)
- Maaaring mag-aplay
Ina na mag-isang tinataguyod ang pamilya o single mother - Uri ng kursong maaaring kunin para sa pagsasanay at pag-aaral
Mga itinakdang training courses na saklaw ng koyohoken-seido o unemployment insurance. - Halagang ipagkakaloob
60% (may maximum limit) ng babayaran sa kursong kukunin - May mga susunding batayan sa pagproseso.
Benepisyong pera para sa pagpapatuloy sa pagkuha ng technical training, at lump-sum benefit para sa pagtatapos
(Bago magsimula ng kahit anumang kurso sa pagsasanay o training courses, komonsulta muna.)
- Maaaring mag-aplay
Ina na mag-isang tinataguyod ang pamilya o single mother - Halagang ipagkakaloob
Babayaran sa kurikulum sa isang taon o mahigit pa para sa pagkuha ng national license
Hal. Nurse, assistant nurse, care worker,chilcare worker, physical therapist, occupational therapist atbp. - May mga susunding batayan sa pagproseso.
Ang halaga ng benepisyong ibibigay ay nag-iiba depende sa halaga ng buwis na binabayaran.
Child-Rearing Support App ng Lungsod ng Gifu
Ito ay App para madaling malaman ang mga kailangang impormasyon sa pagbubuntis, panganganak, at pag-aalaga ng bata kahit saan at kahit kailan kailangan.
Paraan ng pag-download
I-download ang App na ito gamit ang iyong smartphone at tablet.
Konsultasyon
Regional Child-Rearing Support Center
Ang support center na ito ang magiging sentro ng network ng mga childcare facility na malawak ang kaalaman at sapat ang kasanayan sa pag-aalaga ng bata para mabawasan ang mga pag-aalala ng mga magulang sa pagpapalaki ng anak. Ito rin ang magsisilbing regional hub facility para makapag-bonding ang mga bata at kaparehong magulang na may anak.
Araw at oras Lunes - Biyernes 10:00am - 4:00pm (sarado sa mga araw na pisyesta opisyal)
- Shotoku Nursery School
1 Daimon-cho, Lungsod ng Gifu Telepono:058-262-2224 - Kurono Children Center
111-28 Furuichiba, Lungsod ng Gifu Telepono:058-234-3755 - Kyo-machi Nursery Center
2-11 Kyo-machi, Lungsod ng Gifu Telepono:058-263-8811 - Sagiyama Nursery Center
2-9-12 Shimotsuchii, Lungsod ng Gifu Telepono:058-231-1127 - Ichihashi Nursery Center
2-10-16 Imamine, Lungsod ng Gifu Telepono:058-275-5151
Araw at oras na bukas (kalimitan) Martes - Huwebes 10:00am - 3:00pm
Gifu Shotoku Gakuen University “Clematis”
1-38 Naka Uzura, Lungsod ng Gifu Telepono:058-278-4170
Konsultasyon sa telepono para sa pag-aalaga ng bata
Maaaring komonsulta dito ang mga magulang na may anak na papasok palang sa nursery school o kindergarten.
Araw at oras na bukas Lunes - Biyernes (sarado sa araw na piyesta opisyal) ng 10:00am - 4:00pm
- Shotoku Nursery School Telepono:058-262-2224
- Kurono Children Center Telepono:058-234-3755
- Kyo-machi Nursery Center Telepono:058-263-8811
- Sagiyama Nursery Center Telepono:058-231-1127
- Ichihashi Nursery Center Telepono:058-275-5151
Araw at oras na bukas Lunes - Biyernes (sarado sa araw na piyesta opisyal) ng 10:00am - 3:00pm
Gifu Shotoku Gakuen University “Clematis” Telepono:058-278-4170
Konsultasyon para sa mga single-parent at kababaihan
Ang lungsod ay tumatanggap ng konsultasyon mula sa mga kababaihang may kinakaharap na suliranin. Nagbibigay rin ito ng konsultasyon sa mga magulang na mag-isang nagtataguyod sa pamilya o single-parent tungkol sa tuition loan para sa kanilang anak, atbp.
Araw at oras ng konsultasyon
Lunes - Biyernes (Sarado sa araw na piyesta opisyal)
9:00am - 4:45pm
Paghahanap ng trabaho at tulong para sa mga single-parent
Paghahanap ng trabaho at tulong para sa mga single-parent ng Prepektura ng Gifu
Lokasyon
5-14-53 Yabuta Minami, Lungsod ng Gifu
OKB Fureai Kaikan Building 2, 9F
Telepono
058-268-2569
shien-gifu@sunny.ocn.ne.jp
Saklaw
Tatay o nanay na single-parent, atbp.
Mga seminar o training na maaaring salihan
- Training para sa mga certified care workers na may kasanayan
- Training para sa mga baguhang certified care workers
- Training sa paghahanda sa pagsusulit para sa national license o certification
- Training para sa trabaho sa medical office at lecture
- Computer lesson
- Lecture tungkol sa Official Business skill
Impormasyon at konsultasyon
Pamimigay ng mga impormasyon sa hinahanap na trabaho, atbp.
Konsultasyon para sa mga gastusin sa pag-aalaga ng bata
Araw at oras ng konsultasyon
Lunes - Sabado 9:00am - 5:00pm
Short-term support program para sa pag-aalaga ng bata
Sa mga katanungan
Kodomoshien-ka o Children's Support Division
(Bulwagang Panlungsod ng Gifu, 2F/Telepono 058-214-2396)
Short-term support (short stay) para sa pag-aalaga ng bata
Ang programang ito ay binuo para tulungan ang pamilyang may anak na hirap na maalagaan ng magulang dahil sa pagkakasakit, pagdalo sa okasyon, o pagod dahil sa pag-aalaga ng bata.
- Uri ng pasilidad
- Bahay-ampunan
- Bahay-ampunan para sa mga sanggol
- Pasilidad na tumutulong sa mga single-parent
- Aplikasyon
Komonsulta sa Kodomoshien-ka o Children's Support Division
Kapag nais gamitin ang serbisyong ito, kailangan munang magparehistro. Maaaring magparehistro agad pagkatapos bisitahin ang pasilidad. - Haba ng araw na maaaring gumamit loob ng pitong araw
- Babayaran
Ang halaga ng babayaran sa paggamit ng serbisyong ito ay depende sa laki ng kita ng pamilya.
Serbisyong pag-aalaga sa gabi o "twilight stay"
Ang programang ito ay para maalagaan ang mga batang ang mga magulang ay hindi makakasama sa gabi, sabado at mga araw na walang pasok ang paaralan dahil sa trabaho, atbp., at para magabayan ang mga bata sa kanilang pamumuhay at pagkain.
- Uri ng pasilidad
- Bahay-ampunan
- Support facility para sa pamumuhay ng mag-ina
- Aplikasyon
Komonsulta sa Kodomoshien-ka o Children's Support Division
Para magamit ang serbisyong ito, kailangan munang magparehistro. Pumunta muna sa pasilidad na gustong ipasok ang anak at makipagkita sa staff. Matapos nito magparehistro kayo.
Kailangan magpasa ng aplikasyon ng Abril at Hulyo taon-taon. - Panahong maaaring maggamit
Panahong kailangan ng magulang na paalagaan ang anak - Haba ng oras ng paggamit
Ang mga bahay-ampunan ay bukas hanggang 8:00pm, at ang support facility para sa pamumuhay ng mag-ina ay bukas hanggang 9:00pm.- Childcare project sa gabi
Maaaring paalagaan ang anak dito mula sa oras ng uwian ng elementarya hanggang ang mga magulang ay makauwi sa bahay - Childcare support project para mga araw na walang pasok
Maaaring paalagaan ang anak dito mula sa oras ng pagpunta ng magulang sa trabaho hanggang makauwi ito
- Childcare project sa gabi
- Babayaran
Ang sariling babayaran rito ay depende kung gaano kalaki ang kinikita ng pamilya.
Family Support Center ng Gifu
Ang tanggapang ito ang maghahanap ng miyembrong gustong paalagaan ang anak nila (client) at taong gustong mag-alaga sa bata (support members) para ang bawat isa ay may mutual benefit.
Ang taong gustong gamitin ang serbisyong ito ay kailangan munang magparehistro at ibigay ng diretso ang bayad sa taong nagbigay ng serbisyo. Ang taong magbibigay ng serbisyo ay kailangang dumaan sa pagsasanay. Maliban dito, ang tagapagpayo mula sa samahang ito ang makikipag-ugnayan para sa mga gagawing aktibidad.
- Lokasyon
1-1-1 Masaki Naka, Lungsod ng Gifu, Kawabo Build. 3F - Telepono 058-295-3420
- Edad ng batang aalagaan
- Karaniwang uri ng pag-aalaga
Batang 0 taong gulang - ikaanim na baitang ng paaralang elementarya - Pag-aalaga sa batang may sakit, nagpapagaling sa sakit o kapag biglaang papaalagaan
Saklaw ng programang ito ang batang 2 buwang gulang - batang elementarya
- Karaniwang uri ng pag-aalaga
- Araw at oras ng pag-aplay (Sarado alinman sa mga araw na piyesta opisyal)
- Lunes - Biyernes 9:00am - 5:30pm
- Sabado 9:00am - 12:00pm
- Babayaran
Depende sa kung anong araw at oras papaalagaan ang bata.
Kapag gustong iwan ang anak na may sakit
Pagpapaalaga ng batang may sakit, nagpapagaling sa sakit
- Batang may sakit o nagpapagaling mula sa sakit na hirap alagaan sa mga lugar kasama ang ibang bata tulad ng nursery center (school), atbp.
- Hindi maalagaan ang bata sa tahanan dahil sa hindi maiiwasang pangyayari tulad ng ang magulang ay nasa trabaho, atbp.
- Batang naninirahan sa lungsod na nasa hanggang ikatlong baitang ng paaralang elementarya
Ang bata ay aalagaan sa pasilidad na may nakakabit sa ospital o klinika kapag ito ay nakakaranas ng alinmang sa mga karamdamang nabanggit sa itaas.
Ang bayad sa isang bata sa isang araw ay 2,000 yen.
Walang babayaran ang pamilyang tumatanggap ng seikatsu-hogo o pampublikong tulong o exempted sa pagbabayad ng city tax na naninirahan sa lungsod.
Kapag ang pamilya ay may tatlo o mahigit pa na nasa 18 taong gulang pababa, ang pangatlo o susunod pang anak ay walang babayaran.
Magtanong sa pinapasukang pasilidad kung kailangan ng pananghalian.
Paano gamitin
Magparehistro muna sa napiling pasilidad na nangangalaga sa batang may sakit, mag-aplay at magpasuri sa kalusugan.
Maaaring gawin ang pagpaparehistro sa araw ng inyong paggamit sa pasiidad.
Pangalan | Araw at oras na bukas | Lokasyon | Telepono |
---|---|---|---|
Fukutomi Clinic (Suzuran) |
|
1228 Ajiki, Lungsod ng Gifu | 058-238-8555 |
Kawamura Hospital (Kurara) |
|
1-84 Akutami Daihannya, Lungsod ng Gifu |
058-241-3311 |
Sekaichan to Dr. Mogeru Maru no Genkina Clinic (Sekamoge) |
|
2-8-20 Rokujo Minami, Lungsod ng Gifu |
058-216-3745 |
Yamada Hospital (Mickey) | Lunes - Biyernes, 8:00am - 6:00pm |
7-86 Terada, Lungsod ng Gifu |
058-255-1221 |
Komaki Internal Medicine Clinic (Pinocchio) |
|
2-11 Showa-machi, Lungsod ng Gifu
|
058-215-0101 |
Yajima Pediatric Cardiology Clinic (Uribo) |
|
7-10-7 Hino Minami, Lungsod ng Gifu |
058-214-7077 |
Misao Health Clinic (Panda no Shippo) |
|
1-4-20 Yabuta Minami, Lungsod ng Gifu, West building, 6F |
070-1683-3003 |
Hatid-sundo sa batang may-sakit, batang nagpapagaling sa sakit at kailangan ng alaga
Kapag ang batang nasa 1 taong gulang hanggang batang nasa ikatlong baitang ng elementarya ay nagkasakit sa nursery school, atbp., at ang mga magulang ay hindi makakarating para sunduin ang anak dahil sa trabaho o iba pang dahilan, susunduin ng nurse ang bata sakay ng taxi at pansamantala nitong aalagaan hanggang sa matapos ang pagsusuri.
※Ang mga batang nasa bahay at hindi pumapasok sa paaralan, atbp. ay hindi saklaw ng sistemang ito.
- Bayad
Bayad sa taxi ng magsusundo sa bata mula sa childcare facility at dalhin sa medical clinic.
(Bayad sa taxi kung ang bata ay kasamang nakasakay lamang) - Clinc na nagsasagawa ng ganitong programa
- Fukutomi Children's Clinic "Suzuran"
- Komaki Internal Medicine Clinic (Pinocchio)
- Bukas
Lunes - Biyernes 9:00am - 3:00pm - Kailangan munang magparehistro para magamit ang serbisyong ito.