Child and Adolescent Support Center ng Lungsod ng Gifu

ツイッターでツイート
フェイスブックでシェア
ラインでシェア

Page Number 2000284  Updated on April 1, 2024

Print Print in large font

Maaari mong ikonsulta ang anumang pag-aalala sa pagpapalaki ng anak sa staff ng tanggapang ito para mabigyan ka ng kinakailangang suporta o tulong ayon sa nararanasang suliranin sa anak.

Tumatanggap ng konsultasyon sa telepono, personal, email mula sa batang 20 taong gulang pababa, kabataan, magulag o guro, atbp. Maaaring komonsulta sa telepono, personal, at email ang mga batang 20 taong gulang pababa, magulang o tagapag-alaga, guro, atbp.
Kakapanayamin at papakinggan ng staff ang inyong mga suliranin at ipapakilala kayo sa dalubhasa ayon sa idinulog na suliranin.
Maaari kayong magtanong sa tanggapan kung hindi ninyo alam kung saan kokonsulta.

Punong tanggapan para sa konsultasyon

Lokasyon

11 Meitoku-cho, Lungsod ng Gifu

Telepono

0120-43-7830

Email

gifu-kodomo-wakamono@world.ocn.ne.jp

※Pag-reply sa email
Lunes- Biyernes 8:45am - 5:30pm

Konsultasyon tungkol sa pagpapalaki ng bata

Maaaring komonsulta dito ang mga magulang na nakakaranas ng hirap sa pagpapalaki ng anak.

  • Walang tiwala sa sarili sa pag-aalaga ng anak
  • Hindi pinapakinggan ng anak kahit anuman ang sabihin

atbp.

Konsultasyon tungkol sa paglaki ng bata

Nagsasagawa ng konsultasyon tungkol sa paglaki ng bata. Ang mga sumusunod ay maaari ring ikonsulta dito.

  • Matagal natutong magsalita
  • Hirap makipaglaro sa mga kaibang bata

Iba pa

Maaari mong idulog ang mga bagay na inaalala mo sa paglaki ng bata kahit ito ay lumagpas na sa edad ng pag-aaral

  • Hirap mag-focus
  • Masyadong maselan sa mga bagay-bagay
  • Hirap matuto

Iba pa

Konsultasyon sa hindi pagpasok ng anak sa paaralan, atbp.

Maaaring humingi ng payo ang mga magulang na may anak na may problema sa pamumuhay sa paaralan, palaging pagliban sa klase at paghinto sa pagpasok sa paaralan.

Konsultasyon para sa pambu-bully o pang-aapi

Komonsulta dito para sa pambu-bully o pang-aapi sa anak.
Huwag sarilihin ang problema, komonsulta agad dito.

Konsultasyon para sa mga batang nasa hanggang 20 taong gulang

Maaaring komonsulta dito ang mga kabataang nasa hanggang 20 taong gulang.

  • Masamang ugali
  • DV o domestic violence
  • Problema sa interpersonal relationship
  • Hikikomori o tuluyang hindi paglabas sa kwarto
  • Hindi tumatagal sa trabaho atbp.

Konsultasyon sa isang dalubhasa

Pagkatapos maggawa ang general consultation, maaari kayong humingi ng payo mula sa dalubhasa tulad ng doktor (pediatrician at child psychiatrists) at abogado, at counselling mula sa isang clinical psychologists kung kinakailangan.
Maaari ring komonsulta ang mga magulang at guro.

Hotline at hotmail para sa mga bata (para sa mga bata lamang)

  • Telepono 0120-43-1474
  • Email gifu43izime-nashi@soleil.ocn.ne.jp
    ※24 oras ang suporta. Sumasagot sa inyong mga email.
    Lunes-Biyernes 8:45am - 5:30pm

Konsultasyon at pagsumbong sa pang-aabuso sa bata

Huwag magdalawang isip na idulog at isumobong ang anumang pag-aabuso sa bata.
ng pagkakakilanlan ng taong nagsumbong ay pangangalagaan.

  • Nakarinig ng pag-iyak ng bata
  • Napansing may mga hindi karaniwang pasa at sugat ang bata

atbp.

Pagsumbong at pagdulog ng pang-aabuso sa bata

Telepono 058-269-1600

Phone dial ng consultation center para sa pang-aabuso sa bata

Telepono 189 (ICHIHAYAKU)
※Tumatanggap ng tawag 24 oras 365 araw.

Chuo Child Guidance Center ng Prepektura ng Gifu

Telepono 058-213-0189

Klase para sa magulang at anak

Sa mga magulang na nag-aalala sa paglaki ng anak na papasok pa lamang sa kindergarten ay maaaring dumalo sa klase para sa magulang at anak kung saan maaari silan makipaglaro sa mga bata.

Telepono

0120-43-7830

Support classes para sa mga maliliit na bata

  • Sa pamamagitan ng "paglaro", naibibigay sa mga bata ang suportang kailangan para malinang ang kanyang mga kakayanan.
    Maaari ding humingi ang mga magulang ng payo sa pag-aalaga ng anak.
    • Malinang ang kakayanan sa pagsasalita
    • Mapahusay ang kakayanan sa pakikipag-komunikasyon atbp.
  • Matutulungan ka rin sa pagpasok ng bata sa paaralan sa pakikipagtulungan ng kindergartens, nursery schools, at paaralang elementarya.
  • Saklaw
    3 - 5 taong gulang na batang naninirahan sa lungsod
  • Araw at oras na bukas
    Lunes - Biyernes (sarado sa mga araw na piyesta opisyal, huli at unang araw ng taon o bagong taon)
    8:45am - 5:30pm
  • Bayad Libre
  • Telepono 0120-43-7830

Mga tanggapang sa serbisyo sa pag-aalaga ng bata

Pangalan ng Klase Lokasyon Telepono
Nagara Child Support Class 2-140 Nagara Higashi, Lungsod ng Gifu 058-296-1133
Gifu Kita Child Support Class 1-16-2 Fukumitsu Nishi, Lungsod ng Gifu 058-231-5501
Sagiyama Child Support Class 2-9-12 Shimotsuchii, Lungsod ng Gifu 058-231-1121
Gifu Higashi Child Support Class 1-16-13 Mizukaido, Lungsod ng Gifu 058-259-2401
Ichihashi Child Support Class 6-13-25 Ichihashi, Lungsod ng Gifu 058-275-5108
Kano Child Support Class 2-9-1 Kano Higashimaru-cho, Lungsod ng Gifu 058-278-3755
Gifu Minami Child Support Class 1-75-2 Akanabe Hishino, Lungsod ng Gifu 058-268-6232
Yanaizu Child Support Class 1-15 Shimosaba Nishi, Yanaizu-cho, Lungsod ng Gifu 058-279-6326

Support classes para sa bata at kabataan

Dito matututo ang bata kung paano tumayo sa sariling paa sa lipunan sa pamamagitan ng mga aktibidad at iba't ibang karanasan kasama ang iilang mga batang hindi pumapasok sa paaralan.
Sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapatupad ng support program ayon sa pangangailangan ng bata, matututo at magkakaroon ng kakayanan ang bata na tumayo sa sariling mga paa.

  • Telepono 0120-43-7830
  • Bayad Libre
  • Saklaw Taong nakasaad sa ibaba na naninirahan sa lungsod
    • Mag-aaral o batang hindi pumapasok sa paaralan
    • Batang hindi pumapasok sa paaralan na nasa 18 taong gulang pababa
Pangalan ng klase Lokasyon Telepono
Meitoku Child and Adolescent Independence Support Class 11 Meitoku-cho, Lungsod ng Gifu 058-269-1321
Nanasato Child and Adolescent Independence Support Class 3 Nishikaiden Aza Kawamukai, Lungsod ng Gifu 058-234-8551
Giyo Child and Adolescent Independence Support Class 735-2 Kamikawate, Lungsod ng Gifu 058-240-7012
Akutami Child and Adolescent Independence Support Class 3-10-1 Akutami Minamiyama, Lungsod ng Gifu 058-243-2011