Kilalanin ang Lungsod ng Gifu

Xでポスト
フェイスブックでシェア
ラインでシェア

Page Number 2000323  Updated on April 1, 2024

Print Print in large font

Ang lungsod ng Gifu na punong kabisera ng Prepektura ng Gifu ay lungsod na mayaman sa likas na yaman tulad ng ilog ng Nagaragawa na umaagos hanggang sa pinakasentro ng lungsod at ang luntiang kabundukan ng Bundok ng Kinka.

Ang lungsod ay kilala rin sa mayaman nitong kasaysayan, kasama na dito ang "Ukai-Cormorant Fishing sa Ilog ng Nagara sa Gifu" na may higit 1,300 taong kasaysayan at ang pinagtayuan ng "Kastilyo ng Gifu" na isang pambansang makasaysayang palantandaan.

Sa panahon ng Sengoku-jidai (digmaan ng mga Estado), kasabay ng paglitaw ng mga pangalan nina Dosan Saito at Nobunaga Oda, nakilala sa buong bansa ang Gifu bilang mahalagang lokasyon.

Sa panahon ng Edo-jidai, ang Gifu-machi ay kabilang sa kinasasakupan ng Owari-tokugawa, samantalang ang Kano-machi ay castle town ng mga angkan ng mga Kano at lugar pahingahan sa mga Nakasendo.

Sagisag ng lungsod (itinatag noong Agosto 27, 1909)

Ang lungsod ng Gifu ay tinawag na "井口 (Inokuchi)" noong sinaunang panahon at tinawag na "Gifu" ni Nobunaga Oda.

Dahil dito, ang simbolong gamit ng lungsod na "井 (i)" ang ginamit ng lungsod.

Isang ilustrasyon:Sagisag ng lungsod

Simbolong Puno at Bulaklak ng lungsod ng Gifu (itinatag noong Oktubre 22, 1972)

Larawan: Chinquapin (Tuburaji)

Pangalan ng simbolong punong lungsod: Chinquapin (Tuburaji)


Pangalan ng simbolong bulaklak ng lungsod: scarlet sage

Pangalan ng simbolong bulaklak ng lungsod: scarlet sage

Istatistika ng Lungsod ng Gifu

  • Lokasyon
    136 ° 45 ′ silangan longitude
    35 ° 25 ′ hilagang latitude
    14.3m sa itaas ng antas ng dagat
  • Area 203.60㎢
  • Bilang ng mga sambahayan 186,873bilang
    Kabuuang populasyon 400,937katao (bilang ng dayuhan 11,023katao)
     Lalaki 191,526katao (bilang ng dayuhan 4,745katao)
     Babae 209,411katao (bilang ng dayuhan 6,278katao)
     (Kasalukuyan, ika-1 ng Enero, 2024)

Bundok ng Kinka

Matatagpuan ito sa gitna ng lungsod at ito ay 329m.

Ang Kastilyo ng Gifu ay nasa tuktok ng bundok at nasasabing simbolo ng Gifu.
Ito ay mayaman sa likas na yaman, may mga 700 na iba't ibang uri ng halaman, at naninirahang iba't ibang klase ng hayop.

Sa tagsibol, ang bundok ay naninilaw na parang ginto dahil sa puno na chinquapin (Tsuburaji).
Sa pag-akyat sa bundok, maliban sa pagsakay sa ropeway ng Bundok ng Kinka, maaari ring maglakad papunta sa tuktok.

Mayroon ding isang squirrel village kung saan maaari kang magpakain.

Ukai-Cormorant Fishing sa Ilog ng Nagara sa Gifu

Ang Ukai-Cormorant Fishing sa Ilog ng Nagara sa Gifu ay tradisyong ginagawa sa panahon ng tag-init gabi-gabi sa pagitan ng Mayo 11 hanggang Oktobre 15, maliban na lang sa mga panahong kailangang ihinto ang pangingisda (sa mga pagitan ng kalagitnaan ng taglagas sa panahon ng harvest moon) at kung sakaling mataas ang tubig sa ilog.

Ipinagmamalaki ng Ukai ang isang tradisyon na higit sa 1,300 taon at protektado ng Oda Nobunaga at iba pang mga makapangyarihang tao noon.

Mahal din ito ng maraming mga kulturang pigura tulad nina Matsuo Basho at Charles Chaplin.

Habang madilim, ang anim na dalubhasa sa pangingisda gamit ang ibong cormorant na empleyado ng Imperial Household Agency na nagbihis ng tradisyonal na kasuotan at sumakay sa bangkang gamit sa pangingisda na may dalang lampara. Sila ay nakakuha ng ayu (sweetfish) sa pamamagitan ng pagtawag sa mga ibong cormorant at paggamit ng tali na nakakabit sa mga ito.

Makikita mula sa palabas ang paghahanap ng makukuha hanggang sa pinakakanabikang parte ng palabas ay ang nagbibigay sa mga manunuod ng kasiyahan at kagalakan sa kagandahan ng palabas.